Mga informal settlers, maaaring arestuhin kung bumalik

AYON sa Malacañang, aarestuhin ang mga informal settlers na babalik sa dating mga tirahang malapit sa mga estero, matapos simulan ang pag-relocate sa mga ito nitong nakaraang linggo.

Ang informal sector families ang isa sa mga pinaka-apektado pagdating ng panahon ng bagyo at baha.
Ang informal sector families ang isa sa mga pinaka-apektado pagdating ng panahon ng bagyo at baha.

Ayon kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo, may pananagutan ang kapulisan at mga opisyal ng barangay na tiyaking hindi na makababalik ang mga informal settlers sa mga estero, na kinilalang mga mapanganib na mga lugar, lalo na sa panahon ngayon ng tag-ulan.

“Sinisigurado natin na hindi na sila makakabalik sa danger zones. ‘Yan ay mahigpit na instruction ni Pangulong Aquino, at i-enforce ‘yan ng [Department of Interior and Local Government],” dagdag ni Lacierda sa isang press briefing.
Matatandaang nag-anunsiyo ang pamahalaan na bibigyan ng P18,000 ang bawat pamilya bilang subsidy para sa magiging upa ng pamilya sa loob ng isang taon.

Ang mga informal sector families (ISF) ay naka-base sa San Juan River (4,217 na pamilya); Pasig River (1,434), Tullahan River (3,683), Maricaban Creek (1,637), Manggahan Floodway (2,997), Estero Tripa de Gallina (3,887), Estero de Maypajo (1,415), at Estero de Sunog Apog (170).

You May Also Like