Mga Guro Dapat Magturo sa Malalayong Lalawigan

Ni: Boy Celario

 

INAASAHAN ang mga guro na magturo rin sa mga malalayong lalawigan, sapagkat marami ring bata na hangad matuto kaparis ng mga nasa lungsod.

Pero, ang suhestiyon ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero ay bigyan ng pampinansiyang insentibo ang mga gurong magtututro sa mga liblib na lugar sa bansa upang sila ay lalong maengganyong magturo.

Pabor dito si 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro dahil para ito sa interes at kagalingan ng mga guro.

Ani Belaro, dapat binibigyan ng pamahalaan ng pagpapahalaga ang mga guro, sapagkat malaki ang kanilang papel sa paghubog ng isip at pagkatao ng mga mag-aaral.

Sabi ni Escudero, inaasikaso at pinalalakas na ng kanyang tanggapan ang mungkahi hinggil sa pampinansiyang insentibo bago ihain sa Kamara del Representatives.

Sa “Wednesday Roundtable @ Lido” na iniisponsor ng Areopagus Communications tuwing Miyerkules, idiniin ni Escudero na ang pampinansiyang insentibo ay lalong magtutulak sa mga guro na paghusayin ang pagtuturo at paghubog sa mga isipan at pagkatao ng mga mag-aaral.

Ang mungkahi ni Escudero ay may kaugnayan sa implementasyon ng K – 12 Program ng Department of Education (DepEd) sa batayang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Escudero na nararapat lamang bigyan ng malaking badyet ng pamahalaan ang edukasyon na siyang magsisilbing pangangailangan ng mga mag-aaral para mahubog ang kanilang mga kaisipan at karunungan.

Samantala, sabi naman ni Dr. Bayani Santos Jr., propesor sa Emilio Aguinaldo College-Manila at Manuel L. Quezon City University, na kailangan idiin sa ilang mga guro na isapuso ang pagtuturo uang hindi hirap ang ilang mga mag-aaral na unawain ang kanilang itinuturo.

Paano matutunan ng isang mag-aaral ang kursong itinuturo nito kung hindi nito natututunan ang lengguwahe na kanyang pinagtuturuan, tugon ni Santos.

Inilinaw din niya na dapat gamiting wika sa pagtuturo sa mga lalawigan at rehiyon ang sariling wika ng mga mag-aaral upang magkaroon ito ng interes sa pag-aaral.

“Halimbawa sa Cebu, Bicol, at Mindanao ay dapat ipagamit ang kanilang sariling wika sa pagtuturo upang higit na maintindihan ng mga mag-aaral ang gustong ituro ng guro para madaling maunawaan,” paliwanag ng propesor.

Idinagdag pa ni Santos na dapat isapuso at mahalin ng bawat guro ang propesyon na kanilang pinili at hindi dapat tignan ng isang guro ang suweldo dahil malaki ang tungkulin nito para mahubog ang kaisipan at pagkatao ng kanilang mga estudyante.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like