Mga Ebidensiya sa ‘Ted Failon’s Wife’s Death,’ Naglilinaw na Hindi Nagpakamatay si Trinidad Etong

 

Ni: Jan Sinocruz

 

“PAPA, I’m so sorry, gustong-gusto ko pong magsabi sa’yo ng totoo, pero hindi ko po alam kung papaano ko uumpisahan. Sobrang takot na takot po ako… sana po mapatawad mo ako papa.”

Kung matatandaan ni Ted Failon ang mga mensaheng nabanggit sa itaas ay siyang sinasabing mensahe sa kanya ng kanyang asawang si Trinidad Etong bago ito mamatay noong Abril 2009.

Kung ito lamang ang pagbabasehang ebidensiya, lumilitaw na nagpakamatay si Trinidad habang nasa comfort room ng bahay ng mga Etong/Failon sa Tierra Fura Homes, Quezon City.

Ayon sa isang ideya ng imbestigasyon, 380 Walther PPK ang ginam

TED FAILON: Nakamit kaya ni Failon ang katarungan sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Trinidad Etong noong Abril 2009?
TED FAILON: Nakamit kaya ni Failon ang katarungan sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Trinidad Etong noong Abril 2009?

it ni Trinidad sa kanyang umano’y pagpapakamatay.

Ang naturang 380 Walther PPK ay personal na baril ni Ted Failon, sapagkat ito ay nakarehistro sa kanya.

Mahalagang ebidensiya ang baril sa kasong ito, sapagkat baril ang ginamit sa krimen (nagpakamatay man, o pinatay).

Sa paraffin test na isinagawa ng mga imbestigador ng Quezon City Police District (QCPD), negatibo si Trinidad.

Nangangahulugang walang bulbura ng nabanggit na baril sa kamay ni Trinidad.

Kaya, maaaring sabihing hindi nagpakamatay si Trinidad.

Nadiskubre rin ng mga imbestigador ng QCPD na mas mataas na tao ang may hawak ng baril na ginamit sa pagbaril sa ulo ni Trinidad batay sa pagpasok at paglabas ng bala sa ulo.

May nagdiin din sa mga pulis na ang sulat-kamay na ginamit sa sinasabing “suicide note” mismo ni Trinidad para kay Failon ay parehong-pareho ng sulat-kamay ng ibang babae.

Nadiskubre ito ng mga pulis nang hiningan nila ng affidavit ang nasabing babae.

Hindi man nakapaimbestiga pa ng mas malalim ang pulis ng QCPD dahil nalinis na ng mga kasambahay nina Failon ang eksaktong lugar kung saan namatay si Trinidad ay mayroon nang matibay na ebidensya ang mga pulis na magdidiin na hindi nagpakamatay si Trinidad.

Kung hindi nagpakamatay ang biktima, isusunod ng imbestigasyon ng mga pulis ay kung sino ang bumaril kay Trinidad.

Ipinasa ng QCPD ang kaso ni Trinidad saa National Bureau of Investigation (NBI) alinsunod sa utos ni Sec. Ronaldo Puno.

Ayon sa mga beteranong police reporter ng Quezon City, napakahalaga ng papel ni Ted Failon upang matukoy ang pumatay sa kanyang asawa at tuloy mabigyan ito ng katarungan at hindi iyong iligtas sa krimen ang tunay na salarin.

Kaso, ang problema ay may mga abogado si Failon na naroon sa kanilang bahay sa Tierra Fura Homes na umaalalay sa kanya habang si Failon ay nasa New Era Hospital noong Abril 16,2009 kung saan inaabangan niya kung ano ang mangyayari sa nag-aagaw-buhay na si Trinidad Etong sa ganap na 8:50 ng gabi.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like