Mga asong patungong kawali, pinalaya

asoBATANGAS CITY, Batangas–Nakaligtas sa mainit nakawali at pagkaka-adobo ang sangkaterbang mga aso makaraang maisalba ang mga ito ng Regional Public Safety Battalion4-A ng PNP sa Batangas City.

Base sa report ng PNP Region 4-A Director, Chief Supt. Benito Estipona, nakatanggap ng impormasyon ang 2nd Mobile Company ng Regional Public Safety Battalion 4-A nitong nakaraang Huwebes ukol sa mga asong ibibiyahe patungo sa lungsod ng Baguio na gagawin sanang dog meat.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad atnaharang ang van na may plakang WRP-965 na nagdadala samga aso, sa kahabaan ng highway sakop ng Dioco highway Lemery,Tagaytay City.

Arestado naman ang mga nasa likod ng iligal na operasyon nakinilalang sina Cabrera Generoso Garga 47-anyos, Roneto Medina 35-anyos, at Rosendo Magsino 52-anyos.

Lupaypay na ang 24 na mga aso, habang 3 naman ang patay na nangmabuksan ng mga otoridad ang van.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek habang nakatakda namang i-turn-over sa Philippine Animal Welfare Society(PAWS) ang mag asong nailigtas.

You May Also Like