Mga anak ng ‘environmental heroes’, paaaralin ng DENR

Upang bigyang pagkilala at pagbabalik-tanaw sa magandang nagawa ng mga mga manggagawa ng ahensiya na namatay habang nasa duty, bibigyan ng libreng paaral sa college ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga anak nito.

Sa record ng DENR, may mahigit sa 60 ng mga tauhan nito ang namatay habang nasa kanilang duty mula nang mabuo ang ahensiya noong 1987.

Partikular na makikinabang sa programang ito ang “Bayaning Kalikasan” awardee na si Melania Dirain, isang 46-year-old forestry specialist na nabaril at napatay sa kanyang opisina sa bayan ng Sanchez Mira , Cagayan noong Pebrero 7, 2012.
“Kami ay naglunsad ng programang paaral dahil maliban sa paniniwala namin sa halaga ng edukasyon, alam namin na pangarap ng bawat magulang na makitang makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang anak, kaya’t gusto naming matupad ang pangarap na ito,” sabi ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje na siyang lumagda sa memorandum circular no. 2013-02 na nagsasaad ng general guidelines para sa scholarship program.

You May Also Like