Mayor Rivera kulong ng 135 taong dahil sa pagwawaldas ng pondo ng pamahalaan

 

 

Ni: Bernard Badilla-Toledo
 
INAASAHANG sa pambansang bilangguan na mamamatay ang naging alkalde ng Guinobatan Albay makaraang magpasya ang Sandiganbayan na siya ay makulong ng 135 taon dahil sa pagwawaldas ng pera ng pamahalaan.
 
Ayon sa ikalawang dibisyon ng Sandiganbayan, napakatibay ng mga ebidensiya na si Jun G. Rivera ay “guilty” sa 17 kaso ng pagwawaldas ng pondo ng pamahalaan.
 
Idiniin ng korte na hindi na-liquidate ni Rivera ang  P357,956.08 na ibinigay sa kanya ng pamahalaang lokal mula Hunyo 1998 hanggang Abril 2001.
 
Ayon sa rekord ng korte, ikalawang pagkakataon na ni Rivera na ipakulong ng Sandiganbayan ng higit 100 taon ang tagal na may kaugnayan sa pagwawaldas ng pera ng pamalaan.
 
Noong 2004, nagdesisyon din ang Sandiganbayan na ikulong si Rivera ng kabuuang 140 taon makaraang mapatunayan ng nasabing korte na winaldas niya ang P800,000.00 pera para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Mayon noong 2000.
 
Inakyat ni Rivera ang kaso sa Korte Suprema kung saan siya umapila.
 
Kinatigan ng Korte ang kahilingan ni Rivera na muling pag-aralan ng Sandiganbayan  ang desisyon nito.
 
Sa panibagong kaso, natumbok ng Sandiganbayan na ang higit P357,000 ay natanggap ni Rivera sa pamamagitan ng pag-iisyu ng 17 tseke na ipinangalan sa kanya at cash advance.
 
Ang P357,956.08 na ibinigay kay Rivera ay nakalaan sa kanyang mga “travel expenses” bilang alkalde, rehistrasyon ng mga sasakayang ng pamahalaan lokal ng Albay, at mga proyekto ng kanyang  administrasyon.
 
Hindi ini-liquidate ni Rivera ang P357,956.08 at hindi rin niya isinauli ang sobrang pera, batay sa nadiskubre ng mg auditor ng pamahalaan, saad ng Sandiganbayan sa desisyon nito.
 
Hindi nagkulang ang mga auditor sa pagpapaalala kay Rivera na iliquidate ang nasabing pera, ngunit benalewala niya.
 
Hindi nakapagliquidate si Rivera hanggang 2004.
 
Habang linilitis ang kaso, tahasang itinanggi ni Rivera na mayroon siyang natanggap na higit P257,000 pera.
 
Sa halip itinuro ng alkalde ang tesurero na siyang nagpalit ng tseke sa pera.
 
Hindi pinaniwalaan ng Sandiganbayan ang pahayag ni Rivera.
 
Ganito ang punto ng Sandiganbayan kay Rivera: “denial of receiving the proceeds of his cash advances is patently a mere afterthought.”
 
“He did not raise this at the earliest opportunity which does not augur well with ordinary human experience,” tugon pa ng Sandiganbayan sa desisyon nito.
 
Matapos mapatunayang lumabag sa batas, si  Rivera ay makukulong ng 11 sampung taon, tatlong 6 na taon, apat pang dalawang taon, 4  na taon at 4 na buwan na pagkakakulong na aabot sa kabuuang 135 taong lahat.
 
Inutusan din si Rivera ng Sandiganbayan na magbayad ng P302,956,00 multa at ginastos sa paglilitis.
 
Pinagbabawalan na rin siyang humawak ng puwesto sa pamahalaan.
 
Mayroong 15 araw upang iapila ni Rivera ang panibagong desisyon ng Sandiganbayan laban sa kanya.

You May Also Like