Mayor Espinosa, Sumuko kay ‘Bato’

 

 

TAPOS SI MAYOR: Mistulang basang sisiw ang makapangyarihan at matikas na alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa Sr. nang maobligang sumuko ito kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa. Si Espinosa at ang kanyang 24-taong-gulang na anak na si Kerwin Espinosaa ay pinasuko ni Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa pagkakasangkot nila sa ipinagbabawal na gamot. (Rafael Taboy)
TAPOS SI MAYOR: Mistulang basang sisiw ang makapangyarihan at matikas na alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa Sr. nang maobligang sumuko ito kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Si Espinosa at ang kanyang 24-taong-gulang na anak na si Kerwin Espinosaa ay pinasuko ni Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa pagkakasangkot nila sa ipinagbabawal na gamot. (Rafael Taboy)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
NATAPOS din ang maliligayang araw ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. dahil napilitan na itong sumuko sa pamahalaan.
 
Si Espinosa ay sumuko kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP).
 
Si Espinosa at ang kanyang anak na si Kerwin ay hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko sa pamahalaan dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drug trafficking.
 
Sabi ni Duterte,  mamamatay ang mag-amang Espinosa kung  lalaban ang dalawa  kapag dinakap sila ng mga pulis.
 
Nanawagan si Duterte sa mag-amang Espinosa na sumuko dahil sangkot sila sa drug trafficking at pagkakanlong ng drug syndicate sa Leyte.
 
Ang anak ng alkalde ay 24-taong-gulang pa lamang.
 
Nitong Hulyo 28, nakakuha ng P1.9 Milyong halaga ng 237 gramo ng shabu ang mga alagad ng batas sa isinagawang drug buy-bust operation malapit sa bahay ng mga Espinosa.
 
Nadakip sa naturang operasyon ang dalawang bodyguard at tatlong empleyado ni Mayor Espinosa.
 
Ang mag-ama ay kakasuhan ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Comprehensive Anti-Drug Law of 2002.

You May Also Like