May saysay pala ang paghihirap

The DreamerMarami sa atin ang may mga kakilalang dumadaan sa matinding suliranin dulot ng nakamamatay na sakit.
Nasa ICU ng Medical City si Nicey Cadlum, empleyado ng Assumption Antipolo. Asawa ng kaibigan kong si Martin.

Pinapirmahan na si Martin ng mga duktor ng kung anu-anong waiver at sinabing “to expect the worst.” Buti naman, sa huling posting nya sa Facebook ay nag-improve daw si Nicey at nag-stabilize ang kanyang kundisyon.

Ang kaibigan naman ng misis ko, si Marie Brown, ay magki-chemo para sa kanyang stage 1 cancer. Sobrang sakit daw ng kanyang nararamdaman.

Marami pa yan. Mahirap man o mayaman. Matino man o makasalanan. Ganun din po ba sa inyo?

Bago nito, marami na rin kaming kakilala na nauna na. Sigurado, kayo rin. Walang nagawa ang estado nila sa buhay para sila ay maligtas o gumaling.

Pero bakit ganuon? Kahit gaano katutuo ang realidad ng kamatayan sa ating pang araw-araw na buhay, marami pa rin sa atin ang suwail? Kaya nga siguro “wake-up call” ang tawag ay dahil magigising lang tayo sa katotohanang ito kapag tayo na ang magkasakit ng malala.

Matigas talaga ang ulo natin pare-pareho.

Sana man lang matulungan natin ang mga dumaranas ng matinding delubyo sa buhay. Natural na kailangan nila ang tulong pinansyal at mga dasal. Ngunit may isa pang paraan … turuan natin silang bigyan ng saysay ang kanilang dinaranas para mawala ang atensyon nila sa paghihirap nila at mabaling ito sa mas malalim na misyon para sa kapwa.

Si Mother Teresa yata ang nagsabi dati, “Napakalaking sayang! Kung alam lang ng mga pasyente sa mga ospital ang laking ‘reservoir’ ng ‘redemptive suffering’ ang nasasayang dahil hindi nila inaalay ang sakit at paghihirap nila para sa pagbabago ng mga makasalanan.”

Ano po ba ang redemptive suffering? Ito ay ang pag-aalay ng ating paghihirap (sufferings) para sa ikaliligtas (redemption) ng makasalanan. So hindi lang pala ito limitado sa sakit (both illness and pain) … pwede rin pala ialay ang mga ordinaryong paghihirap tulad ng traffic, sobrang dami ng trabaho, pang-aapi sa iyo ng ibang tao, atbp.

Sa Ingles, ayon sa Wikipedia: “Redemptive suffering is the Roman Catholic belief that human suffering, when accepted and offered up in union with the Passion of Jesus, can remit the just punishment for one’s sins or for the sins of another. Like an indulgence, redemptive suffering does not gain the individual forgiveness for their sin; forgiveness results from God’s grace, freely given through Christ, which cannot be earned. After one’s sins are forgiven, the individual’s suffering can reduce the penalty due for sin.

O handa ka na bang tulungan ang kaibigan mo? Ano? Baka sabihin na nasisira na ba ang ulo mo? Eh, di … ialay mo ang kahihiyan. Practice what you preach nga, di ba?

You May Also Like