May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun?

Simbahan, sandigan ng marami. Linggo-linggo, hindi mawawala sa atin ang magsimba, kasama ang pamilya, mga mahal sa buhay. Baka nga tayo ay mga tinaguriang “taong simbahan” na inaraw-araw ang pagpunta sa parokya – dahil sa mga meeting sa Mother Butler o kaya naman dahil sa pag praktis sa choir. Kung ano’t ano pa man, ang Tapatan Question na ‘to tiyak ay para sa iyo:

May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun?

church

“There are three thing that I want to change: mga manang na wala nang ginawa kundi magtsismisan at magsiraan at kung minsan pati ang pari sinisiraan… at ung mga matatandang masyadong pinakikialaman ang lahat ng bagay kahit hindi na dapat sila nakikialam. sa aking konteksto, I want to change yung mga nasa youth council ng parokya kasi marami sa kanila ang nagpapasaway na kahit ilang beses pang pagsabihan at bigyan ng formation walang nagbabago.”
– Mark Vertido ng Laoag, Ilocos Norte

“‘Yung pari, palitan ‘di maganda mag homily.”
– Louie Espino ng San Pedro, Laguna

“Gusto ko sanang magkaroon ng higit na maraming oportunidad sa katesismo. Palagay ko kasi, kaya maraming tumatalikod sa pananampalataya ay dahil hindi nila ito naiintindihan.”
– Mark Roblas ng Caloocan City

“Meron. ‘Yung ugali ng bawat isa. Alam naman nating lahat na iba-iba ang ugali ng bawat isa. Pero may ugali ang mga taga simbahan na mayabang. Ginagamit ang mga posisyon meron sila, pa-star, may mga gusto lang mag serve para sumikat pero ‘di naman talaga sila willing to serve God.”
– Camille Samson ng Tondo, Manila

“Sa mga nagsisimba pong mga tao tuwing Linggo, kasi nagsisimba naman sila ok lang ‘yun pero ‘yung attire nila when going to the church, naka-shorts,spaghetti [strap], sana naka-pants at polo shirts, ‘yung hindi nakikita ‘yung katawan bale.”
– Aldous Beltran ng Los Baños, Laguna

You May Also Like

  • lloyd

    Kailangan po ng apologetics sa homily at mag create ng mini studies sa bawat parishes kasi marami talaga hindi alam mga dogma, discipline etc. Dahil na rin sa kaibabawan ng mga sermon kaya nagiging lukewarm lalo mga katoliko at they just pick and choose ano gusto nila sundin imbes na magporsige na sundin lahat. Meron pa nga mga pare na nagmumura pabiro at nagiging normal or joke nlng nila para lang siguro mapatawa mga laity ung pagkakaroon ng pangalawang asawa lalo na mga ofw… tsk tsk tsk!