Matuto kaya sa Papa?

vol 1 no 3

Nitong Marso 13, nasaksihan ng buong mundo ang pagkakatalaga kay Jorge Mario Cardinal Bergoglio mula sa Argentina bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pinili niyang tawagin ang sariling ‘Francis’ na aniya’y kanyang pagbibigay pugay kay St. Francis ng Assisi na kilalang mapagkumbaba at mapagmahal sa mahihirap.

Marami ang namangha sa taglay na kababaang loob ni Pope Francis, lalo na nang ilathala sa mga pahayagan ang kanyang pagbalik sa hotel sakay lamang ng bus pagkatapos mahalal bilang Santo Papa.

Pinaniniwalaang taglay ni Pope Francis ang mga katangiang nararapat ding gayahin ng mga lider sa iba’t ibang panig ng mundo.

Marami sa mga lider ng buong mundo ang mabilis ding nagpaabot ng kanilang pagbati sa santo papa kabilang na si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kabila ng intensyon na maging madiplomasya sa Simbahan sa pamamagitan ng naturang pagbati, nananatiling magkasalungat ang pananaw ng pangulo at ng Simbahang Katolika sa iilang isyu. Nabanggit ni Pnoy ang “panahon ng pagkakaisa ng mga Katoliko.” Matatandaang hinati ng kontrobersiyal na RH Law ang bansa kung saan napabalitang ipinilit diumano ng pangulo ang pagpasa nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag pork barrel para sa boboto pabor, at kabawasan naman o kawalan ng pondo para sa mga kongresistang hindi papabor.

Nabanggit din ng pangulo ang “paghugis sa mundo kung saan bawat tao ay may karapatang mabuhay nang tahimik at may dignidad.” Wari ko’y iba ata ang nagsulat ng mensahe na ito sa kadahilanang ang bawat sanggol na maaaring mabuhay sa sinapupunan ng ina ay hindi mabibigyan ng karapatang mabuhay dahil sa RH Law at mga abortifacients na popondohan nito.

Hindi na bago sa atin ang naging turingan ng mga obispo at Palasyo. Bago pa man maipasa ang RH bill, usap-usapan na ang pagpapatanggal ng chapel sa loob ng Malakanyang; ang pag-atras sa diyalogo kasama ng mga obispo patungkol sa RH bill; at nito lamang nakaraang buwan, pag-utos ng palasyo na tanggalin ang Team Buhay/Team Patay tarpaulin sa diyosesis ng Bacolod kung saan umabot na sa Supreme Court ang naturang isyu.

Sa kabila nito, mga kababayan, bilang isang pangulo — iisang tabi na natin ang pagiging Katoliko ng pangulo — nararapat na ipakita niya ang kanyang respeto sa pananampalatayang kanyang kinabibilangan gaya ng pananampalatayang nakita sa kanyang ina, ang yumaong dating pangulong Corazon Aquino, na ‘di kailang siya ring nagbigay-daan sa pangulo upang maihalal.

Ang slogan ni Pnoy ay “kung walang corrupt, walang mahirap” at malamang kung bibigyan niya ng panahon ang pagdalo sa inauguration ni Pope Francis, matututo siya sa bagong Santo Papa at mabibigyan niya ng tamang pagpapahalaga ang mga mahihirap sa ating bansa ng may pagpapakumbaba.

You May Also Like

  • PAULINANCE MOSOGRO

    TAMA LANG RIN NMAN ANG BATAS NYAN KZ KUNG SA IBANG BANSA KA MAKIKITA MO ANG PAGKAKAIBA NTIN SA KANILA,SA 22O SINASABI NILA N PANGALAWA TAU SA INDIA N MAHIRAP.TOTOO DB.MAY KANYA KANYANG OPINION ANG BAWAT TAO.IBA IBA DIN ANG PANINIWALA.KATOLIKO AKONG TUNAY AT MATAAS ANG PAGTINGIN SA MGA PARI N NMUMUNO MAY IBA N SILA ANG SUMISIRA SA PANGALAN NG PAGKAPARI.WALANG PILITAN KZ KAHIT SA IBA’T IBANG CONGREGASYON AT SINASABING KATOLIKO SILA AY MAY NAMUMUNO O PINUNO N BULOK ANG SISTEMA.KAYA WAG MANISI O TULIGSAIN ANG MGA TAONG DI PUMANIG.TAMA SI POPE BENIDICT.DI NYA KAYANG SIKMURAIN ANG NANGYAYARI KZ MAY SUMISIRA AT GUMAGAWA TALAGA.PERO ISA ALNG MASASABI KO.KATOLIKO AKO KAILAN MAN AY DI MAGBABAGO.SUPORTADO KO ANG SIMBAHANG KATOLIKO PERO MAGBAGO ANG TAONG NAMUMUNO AT NAGMAMALINIS N NKIKI…..HRAM….GAMIT NG SIMBAHANG AKING GINAGALANG………