MATOBATO, PAKAWALA NINA DE LIMA AT TRILLANES?

 

EDGAR MATOBATO
EDGAR MATOBATO

Ni: Roy Bersales

 

ISANG napakalaking katanungan hangang ngayon ang pagsulpot ni Edgar Matobato sa pagdinig ng Senate Justice Committee hinggil sa extrajudicial killings (EJKs) sa bansa isang araw matapos manumpa si Rodrigo Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Hunyo 30.

Sa unang salang ni Matobato sa komite nitong nakalipas na linggo, ayaw nitong sagutin ang mga tanong ni Senador Alan Peter Cayetano ukol sa kung sino ang nagdala sa kanya sa Senado.

Matatandaang hinarang si Cayetano ni Senado Leila De Lima nang kinukulit niya si Matobato hinggil sa tao, o mga taong tumulong sa kanya upang makarating ng Senado.

Hindi binanggit ni Matobato kung sino, pero nabanggit niya na sa San Fabian Pangasinan siya itinatago ng isang ‘kaibigan.’

Ang kaibigan na ito ay isang pari.

Ang gustong mangyari ni De Lima na sa closed-door meeting ng mga Senador dapat pag-usapan ang mga taong nasa likod ni Matobato.

Idiin ng ilang ulit ni Cayetano na hindi kailangan ang closed-meeting, sapagkat hindi naman maselan na isyu ang malaman kung sino, o sinu-sino ang mga tumulong kay Matobato upang magsiwalat tungkol sa 1,000 kataong namatay sa Davao City mula 1989 hanggang 2014.

Sen. LEILA DE LIMA
Sen. LEILA DE LIMA

Hindi rin makalilimutan ang pag-upo ni Senador Antonio Trillanes IV sa kanang bahagi ni Cayetano upang bastusin at harangin lamang pala ng una ang huli.

Naging kontrobersyal ang nasabing tagpo at naging batayan pa ito upang mapatalsik sa pagiging pinuno ng Senate Committee on Justice si De Lima.

Nitong Setyembre 22, sinubukan naman ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na alamin uli kay Matobato kung sino ang naghatid sa kanya sa Senado.

Sabi pa nga ni Pacquiao kay Matobato: “narito ba siya sa loob ng Senado” kung saan maraming nagtawanan.

“Walo po sir,” mabilis na sagot ni Matobato.

Hindi nagtagal, nagsalita si De Lima kung saan ipinakumpirma niya kay Matobato na Setyembre 2 ng taong kasalukuyan ay pinuntahan ng senador si Matobato sa kanyang safe house sa Pangasinan.

Inamin nina De Lima at Matobato na silang dalawa ay nag-usap.

Ngunit, ipinakumpirma ni De Lima kay Matobato na hindi siya pinilit, o diniktahan ng senadora bago matuloy siya sa kanyang pagsisiwalat sa Senado.

Nang balikan ni Pacquiao si Matobato, idiniin ng bagitong senador sa beteranong mamatay-tao na hindi ito nagsasabi ng totoo.

Sabi kasi ni Pacquiao, kapag nagsasabi ng totoo ang isang tao ay dapat galing sa kanyang isipan at puso ang mga sinasabi nito.

Naniniwala si Pacquiao na mayroong “nagku-coach” kay Matobato, sapagkat pabagu-bago ang sinasabi ni Matobato.

Iba ang pahayag niya noong una kay noong Huwebes.

TRILLANES, DE LIMA, AND CAYETANO
TRILLANES, DE LIMA, and CAYETANO

Sa unang salang ni Matobato sa Senado, pinagsabihan na ni Cayetano si De Lima na huwag nitong tuturuan si Matobato sa mga sasabihin nito.

Idiniin ni Cayetano na bilang committee chair ay dapat siyang “neutral.”

Nitong Setyembre 23, tinukoy ni Senador Panfilo Lacson na tuwing nagsasagawa ng cross-examination ang senador kay Matobato ay papunta kina De Lima at Trillanes ang tingin ni Matobato.

Sa psychology, may kahulugan ang nasabing paggalaw ng mga mata ni Matobato patungo kina De Lima at Trillanes.

Kumbinsido si Lacson na isang sinungaling na testigo si Matobato, sapagkat hindi nagkakatugma ang kanyang mga pahayag.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like