Marahas na salpukan sa Turkey, tuloy pa rin

ISTANBUL, Turkey — Patuloy pa rin ang mga demonstrasyon sa Turkeykung saan hinihiling ng mga ralyista na magbitiw sa pwesto ang pinuno ng bansa dahil sa diumano’y pamumunong awtoritaryan nito.

Limang araw nang ginagamitan ng pulis ng water cannon at tear gas ang ilang libong nagpoprotesta sa kabiserang Istanbul upang maitigil ang demonstrasyon. Ayon sa Human Rights Association, isang aktibistang grupo, halos 1,000 katao ang sugatan at higit 3,000 ang detenido dahil sa mga protesta.

Hiniling ng nasabing grupo na pagbawalan ang paggamit ng pulis ng tear gas, tanggalin ang mga limitasyon sa freedom of expression and assembly, at itigil ang mga planong itayong muli ang Ottoman army barracks at iba pang mga gusali sa Taksim Square sa Istanbul.

Tinanggihan naman ni Prime Minister Recep Tayyip Erdogan ang mga hiling ng nasabing mga ralyista.

You May Also Like