Mar sabit sa opisyal ng SSS?

MANILA – Muli na namang nadawit ang pangalan ni Manuel “Mar” Araneta Roxas II, kandidato sa pagkapangulo ng ng partido Liberal na siyang inendorso ni pangulong Aquino sa darating na halalan sa Mayo.
Sa kumakalat na viral photo sa internet, ibinunyag ni SSS commissioner Eliza Bettina Antonio dating Chief of Staff ni Roxas , na siya (Antonio) ay sumahod diumano ng P5.99 million noong taong 2014 na nagdulot naman ng pagkainis ng maraming netizens lalo pa’t tuluyan nang nabasura ang 2,000 dagdag pension para sa mga senior citizens.

Naisiwalat din ang milyon-milyong piso na pasahod na tinatanggap ng mga opisyal ng naturang ahensya at lumalabas na higit pang mas malaki ang sahod ni Antonio kaysa sa presidente ng SSS na si Emilio de Quiros Jr. na sumahod lamang ng P2.65 million.

Nagsilbi si Antonio bilang Administrator kay Roxas noong 2004 hanggang 2010 at tumayong chief of staff noong senador pa ang kandidato sa pagkapangulo. Naatasan si Antonio bilang commissioner ng SSS noong 2010 at hinawakan naman nito ang pension fund ng board ng parehong Philex Mining Corporation at Union Bank of the Philippines.

Ipinagtataka din ng mga netizens kung paanong ang isang tatlumpong taong gulang na nagtapos ng hotel and restaurant management at nag-intern sa Four Seasons Hotel ay maatasan bilang commissioner ng SSS na salungat diumano sa trabahong nalalaman nito.

Matatandaang nauna na ring isinabit ni dating Metro Rail Transit (MRT) Line 3 general manager Al Vitangcol si Mar Roxas maging ang tinalagang Transportation Secretary ni Pangulong Aquino na si Joseph Emilio Abaya ng pagmamanipula sa maintenance ng MRT.

Sa isinumiteng affidavit ni Vitangcol sa Korte Suprema sinabi nitong, “I am the only DOTC official charged by the Ombudsman despite the unmistakable knowledge, involvement, participation and instruction of my superiors in the DOTC headed by former Secretary Manuel “Mar” Roxas, current DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.”

Dagdag pa ni Vitangcol na wala daw siyang kinalaman sa pagpapalawig ng kontrata sa PH Trans na nagkakahalaga ng P535.5 milyong piso sa kadahilanang wala daw kapangyarihan ang General Manager na magapruba ng kontrata na lalagpas sa taktang 5 milyon. – Paul de Guzman

You May Also Like