Manila Water, Perwisyo?

 

Ni: Denz Laguipo

 

SA halip na makatulong, perwisyo umano ang ibinigay ng Manila Water sa proyektong ginawa nito sa Taytay Rizal.

Ang sewer lines project ng Manila Water sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Taytay Rizal ay may isang taon nang ginawa ng kinontratang kumpanya para gumawa ng proyekto.

Ang proyekto ng Manila Water ay malaking tulong sa mga residente ng Barangay Sta. Ana tulad ng ipinangako ng pamunuan ng Manila Water noong sinisimulan pa lamang ang proyektong sewer lines.

Ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos—mauunahan pa ng pagtatapos ng 2016.

Sabi ng mga residente sa media kapag tumataas ang tubig sa kanilang lugar, o kung umuulan, ay pumapasok ang maruming tubig sa kanilang mga bahay—lalo na kung bumabagyo.

Umaasa ang mga residente na agad aaksyon ang Manila Water ngayong naiparating sa kanila, sa pamamagitan ng media, ang reklamo hinggil sa perwisyong nagawa ng nasabing kumpanya sa mga residente.

Umaasa ang mga residente na hindi babalewalain ang reklamo dahil kung hindi ay muli silang hihingi ng tulong sa media.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like