Mandela, bumuti na ang kalagayan

SOUTH AFRICA—Ayon sa gobyerno ng South Africa, bumubuti na ang kalagayan ng dati nilang pangulo na si Nelson Mandela matapos mag lagi ng apat na araw sa ospital para mag pagamot dahil sa pneumonia.

Dagdag pa nila, nasa maayos na kamay ang kanilang dating pangulo at tiwala sila sa serbisyong binibigay ng mga doktor kay Mandela.

Si Mandela ang hinalal na unang itim na pangulo ng South Africa noong 1994 kung saan ay tinaguyod niya ang adbokasiya ng pagkakasundo sa dalawang lahi, mga itim at ang mga puting minorya sa naturang bansa.

Noong Marso, dinala din si Mandela sa ospital para sa kanyang check-up kung saan ay namalagi siya ng tatlong linggo at na-confine siyang muli noong Disyembre 2012 dahil naman sa impeksiyon sa baga.

You May Also Like