MAMIMILI, UNANG BESES NAGING BILIB SA PANGULO NG BANSA—BSP

 

Ni: Marites Badilla

 

 

PIHADONG aangat at susulong ang ekonomiya ng bansa ngayong ikatlong kuwarter ng taon, dahil sobrang taas ng kumpiyansa ng mamimiling Pilipino nang si Rodrigo Duterte ang naging Pangulo ng bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa Consumer Expectations Survey (CES) ng BSP, 2.5% ang itinalang antas ng tiwala ng mamimili sa pagiging Pangulo ni Duterte.

Ang ibig sabihin nito ay mataas ang tiwala ng mamimili sa kabuuang itatakbo ng ekonomiya, naniniwala ang mamimili na magkakaroon ng sapat na pera ang bawat pamilya, at naniniwala rin ang mamimili na magiging maganda ang kita ng bawat pamilya.

Samantala, negatibo ang mamimili sa inflation, interest rates, kawalan ng trabaho, at mataas na presyo ng bilihin.

Maliban sa trabaho, ang tatlo ay nakadikit sa galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo at halaga ng piso sa dolyar ng U.S., mga isyung wala sa kontrol ng Pangulo.

Ang nabanggit na postibong porsiyento ay napakalayo kumpara sa nakalipas na taon kung saan negatibong 11.6% (third quarter) at – 6.4% (second quarter), ayon pa rin sa CES.

Sabi sa media ni Teresita B. Deveza, deputy director for BSP’s Department of Economic Statistics, ang 2.5% ay siyang kauna-unahang positibong pagtingin ng amimili (consumers index) simula ng magsagawa ng sarbey ang BSP hinggil sa koneksiyon ng kung sino ang  Pangulo ng bansa at

pulso ng mamimili noong 2007.

Ang pinakabagong sarbey ng CES ay inilunsad sa buong bansa noong Hulyo 1 – Hulyo 16 sa 5,810 kabahayan.

Ang 3,002 (51.7%) nito ay galing sa National Capital Region (NCR), samantalang 2,808 (48.3 %) naman ay galing sa labas ng NCR.

Ang unang isinagawang CI noong unang kuwarter ng 2007, negatibong 33.3% ang resulta.

Si Gloria Macapagal Arroyo ang Pangulo ng bansa noong 2007.

Ayon kay Deveza, kauna-unahan sa kasaysayan sa sarbey ng BSP hinggil sa CI na naging positibo ang marka ng mamimili sa koneksiyon ng pulso nito sa kung sino ang Pangulo ng bansa, dahil simula noong 2007 ay negatibo palagi ang marka ng mamimili sa kung sino ang nakaupong Pangulo sa Malakanyang.

“The very first reason is the improvement in the peace and order situation, then the availability of more jobs, the stable prices of commodities, anticipated increase in salaries, effective government policies, assumption into office of the new administration as well as its pronounced campaign against drugs, and assistance from the government such as the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps),” paliwanag ni Deveza.

Idinagdag ng opisyal na naniniwala rin ang mamimili na magkakaroon ng mga pagbabago sa kaayusan at kapayapaan ng bansa, magkakaroon ng mas maraming trabaho, tataas ang sahod, at  magiging maganda at positibo ang pamamamahalaa at pamamalakad ng administrasyong Duterte sa susunod na 12 buwan.

Naniniwala ang BSP na magpapatuloy ang positibong pananaw ng mamimili hanggang sa susunod na isang taon kung magaganap ang mga inaasahan ng mamimili kay Duterte.

Maganda na mataas ang kumpiyansa ng mamimili sa Pangulo, dahil pag-angat at pagsulong ng ekonomiyang nakahulma sa kakayanan ng mamimili na bumili ng mga produkto at tumangkilik ng mga serbisyong inilalatag ng mga negosyante sa merkado amg katumbas nito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like