Mamasapano massacre mababaon sa limot?

Sa nakaraang muling pagbubukas ng tinaguriang Mamasapano Massacre kung saan apatnapu’t-apat sa ating mag bayaning SAF nananatili ang katanungang mabibigayan na nga ba ng hustisya ang mga namatay na SAF44 o mistulang mababaon na ito sa limot?

Marami ang nagsasabi na ang pagbubukas muli ng naturang kaso sa Senado ay isang hakbang lamang upang makaganti si Senador Juan Ponce Enrile dahil sa pagdidiin sa kanya sa kasong maling paggamit ng ‘Pork Barrel.’ Ngunit maari rin nitong isiwalat ang mga katutuhanan lalo’t may dahilan ang una upang ilabas nga ang tutuong mga nangyari kahit pa masangkot ang ating pangulo maging ang kanyang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Sec. Mar Roxas na ngayon ay kandidato sa pagkapangulo ng kaalyadng partido na Lakas.

Kung may direktang kinalaman si Pangulong Aquino sa Oplan Exodus paano ito mapapanagot gayong kontrolado nito ang parehong Senado at Kongreso na siyang maaring maghain ng impeachment. Ganun din sa Ombudsman at Korte Suprema na hindi makakaila na malakas ang impluyensya ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Senador Juan Ponce Enrile sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Aquino malaki ang tyansa na madiin ang pangulo sa korte sapagkat ito ay manunumbalik sa pagiging isang normal na citizen. Ngunit mangyayari lamang ito kung ang uupong susunod na pangulo ay hindi nito kaalyado.
Hindi makakaila na masigasig ang pangulo sa pangangampanya kay Secretary Mar Roxas na maraming nagsasabing siyang magbibigay ng proteksyon sa Pangulo Aquino sakaling mahalal si Roxas bilang susunod na pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Kung ating babalikan, pinasinungalingan ng Philippine National Police’ s Board of Inquiry ang sinasabi ni ginoong Mar Roxas na ‘ out of the loop’ o wala siyang kinalaman sa operasyon na ikinamatay ng SAF44 nang isiwalat nito ang mga ‘text messages’ diumano na noon na dating PNP Chief Leonardo Espina. Ayon sa mga text ipinaalam diumano kay Mar Roxas ang nangyayaring operasyon umaga pa lamang. At bago pa mananghalian alam na nito na grabe na ang sitwasyon. Ang lubos na nakababahala ay ang kawalan ng concern ng kalihim sa sitwasyon ng SAF44 dahil sa pagtatanong nito sa kanyang 10:36 a.m. text kay Espina kung may nakuha na bang video o larawan maging DNA o kahit ano mang patunay na napatay na ang target na si Marwan.

Bilang kalihim ng DILG na siyang direktang may hawak sa Philippine National Police nasa kamay nito ang pagbibigay ng impormasyon sa pangulo at maaring maging ang kautusan na suportahan na ng puwersa ang SAF 44. Lalo na at ayon mismo sa pinuno ng Special Action Force na si Getulio Napeñas na may humigit kumulang na 252 na pwersa ang inihanda sa operasyon na nagdagdagan pa na umabot sa 382. Kung agad nag-utos ang Pangulo at mabilis na kumilos ang Kalihim upang masagip ang SAF44, at sa dami ng pwersa malamang ay buhay pa hanggang ngayon ang ating mga pulis.

Sa mga naisiwalat na pangyayari hindi pa ba sapat ang command responsibility upang mabigyan ng liwanag man lamang ang kaso? At tuluyan nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ating magigiting na pulis at ng kani-kanilang mga naiwang pamilya.

Sa mga naunang pagdinig at muling pagdidinig sa kaso nararapat pa bang iasa natin ang bayan sa mga nasasangkot? May maasahan ba tayong linaw o mababaon na lamang sa limot ang kadakilaan ng ating mga anak na pulis na nag-alay ng kanilang buhay?

You May Also Like