Mali si Bello sa Kontraktuwalisasyon—Matula

 

Atty. JOSE SONNY MATULA
Atty. JOSE SONNY MATULA

Ni: Marites Badilla

 

TILA binigyan ng pag-aaral ni labor leader Jose Sonny Matula si Labor Secretary Sylvestre Bello III hinggil sa kapangyarihan ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Atty. Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW), walang kapangyarihan ang kalihim ng DOLE na ipasara, o suspendihin ang isang kumpanya na nagpapairal ng kontraktuwalisasyon, o end of contract (endo), o 555.

Idiniin pa ni Atty. Matula, isang mahusay at beteranong abogado, na ang maaaring gawin ni Bello ay parusahan ang kumpanyang lumabag sa batas-paggawa, ngunit hindi ang pagpapasara ng negosyo ang maaaring maging parusa.

Ang pahayag ni Atty. Matula ay reaksyon niya sa pinakabagong pasya ni Bello hinggil sa kontraktuwalisasyon.

Kamakailan, isinapubliko ni Bello na nagpadala na ng mga liham ang DOLE sa mga malalaking kumpanya na nasa “priority industries” na nagsasabing kakanselahin, o sususpendihin ang Certificate of Registration ng kanilang negosyo, kung hindi pa rin nila mareregularisa ang kanilang mga employado sa loob ng 15 araw.

Ganito rin ang utos ng kalihim ng DOLE sa mga hepe ng rehiyon ng DOLE.

Ibinida pa ni Bello na ang desisyon ng DOLE ay nakaangkla sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na matanggal na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Kumbinsido si Duterte na malaking pahirap sa mga manggagawa ang wala pa sa anim na buwan, o sa mas masahol ay tatlong buwan, lamang nagtatrabaho at pagkatapos ay maghahanap uli ng trabaho sa iba namang kumpanya, o magpaparenyu ng kontrata para sa limang buwan uling pagtatrabaho.

Sec. SYLVESTRE BELLO III
Sec. SYLVESTRE BELLO III

Matatandaang kaliwa’t kanang batikos na ang kinakabig ni Bello, dahil sa sobrang kupad nito sa pagpapatigil ng kontraktuwalisasyon.

Sabi nga ni Leody de Guzman, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), na pang-eleksyon lamang yata itong pangako ni Duterte na kapag siya na ang pangulo ng Pilipinas ay wala nang manggagawang kontraktuwal.

Sa loob ng 100 araw ni Duterte sa Malakanyang ay mahigit 10,000 manggagawa pa lamang ang nagiging regular.

Ayon sa datos ng pamahalaan, mahigit 1 milyon ang manggagawang kontraktuwal mayroon ang Pilipinas ngayong 2016.

Idiniin ni Atty. Matula na mali si Bello kung ipapasara ang mga kumpanya, sapagkat lalo lamang pinarurusahan at pinahihirapan ang mga manggagawa, sapagkat kapag sila ay nawalan ng trabaho dulot ng pagsasara alinsunod sa konseptong “no work, no pay.”

Ang nararapat na gawin ni Bello ay parusahan ang mga negosyanteng hindi sumusunod sa batas-paggawa alinsunod sa itinakda ng naturang batas-paggawa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like