Malaking Palaisipan ang Gulo sa Bilibid

 

JAYVEE SEBASTIAN
JAYVEE SEBASTIAN

Ni: Roy Bersales

 

KUNG si House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatanungin, walang dudang isang malaking palaisipan ang gulong naganap sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Miyerkules ng umaga.

“Bakit naman of all those years, e ngayon lang sila magpapatayan diyan (sa bilibid), targeted pa yung mga resource persons (like Jayvee Sebastian) na na-announce nung Committee on Justice?” banggit ni Alvarez.

Si Sebastian ay nasugatan nang saksakin siya sa naganap na gulo.

Ligtas na siya, ayon sa kanyang abogado.

Si Tony Co na napabalitang drug lord ay namatay.

Si Vicente Sy ay nasugatan din.

Si Peter Co ay nasaksak din at namatay sa kalaunan, ayon sa balita.

Si Co ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinuno ng drug triad sa Luzon at Metro Manila.

Ang isa pang nasugatan ay si Clarence Dongail.

Sa mga unang balita sa media, si Dongail ang sinasabing nagsimula ng pananaksak sa mga kapwa niya bilanggo makaraang manita umano ito kina Tony Co at Vicente Sy sa pagsa-shabu sa kusina ng Building 14.

Ang nasabing gusali ay kulungan ng mga taong habang-buhay na pagkabilanggo ang parusa, tulad ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, kidnapping, at iba pa.

Iniimbestigahan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang insidente.

Sabi ni Alvarez, nakalulungkot ang naganap, sapagkat “apparently there are forces na ayaw na mag-testify ‘yung si Jaybee Sebastian. Tignan natin ‘yung motibo kung sino ‘yung ayaw na malaman siguro ‘yung katotohanan.”

Sino ba ang may masamang motibo para iligpit, patahimikin, o hadlangan si Sebastian sa pagsalang sa isinasagawang pagdinig ng Committee on Justice sa Kamara del Representantes hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa NBP, tanong ni Alvarez.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ayaw sumalang  at tumestigo ni Sebastian hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa loob ng NBP.

Si Sebastian ang itinuturong ‘tao’ ni Senadora Leila de Lima na nangalap ng pondo mula sa mga drug lord sa NBP para sa kanyang kandidatura sa pagkasenador nitong nakalipas na halalan.

Matatandaang ‘sinalo’ ni De Lima si Sebastian at sinabing “asset” ng pamahalaan laban sa mga drug lord sa NBP.

Ngunit, sa pagdinig sa Committee on Justice sa Kamara ay itinuturo ng mga testigo tulad ni Herbert Colanggo na si Sebastian ay isang drug lord din.

Karamihan sa testigo ay idiniin ang koneksyon ni Sebastian kay De Lima.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like