‘MALAKI ANG HR VIOLATION NG ESTADO UNIDOS SA PILIPINAS… PINATAY NITO ANG MGA NINUNO NG MGA PILIPINO’

 

filipinos-killed-by-us-soldiersNi:  Roy Bersales

 

WALANG karapatang magsalita si United States President Barrack Obama ng “tamang paraan” kung paano susupilin ang napakatalamak na operasyon ng iligal na droga sa Pilipinas, sapagkat ang Amerika ay notoryus ang paglabag sa karapatang-pantao laban sa mga Pilipino nang sakupin at kontrolin ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1888 hanggang 1946.

Ito ang argumento ni Pangulong Rodrigo Duterte nang iprisinta niya sa mga delegado ng ASEAN Summit nitong Huwebes ng gabi ang lumang larawan ng pagpaslang ng mga sundaalong Amerikano sa mga Pilipino.

“Do war on drugs the right way,” banggit ni Obama.

Matapos magpabigay ng posisyon si Obama tungkol sa karapantang-pantao na naka-konteksto sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga kung saan higit na 2,000 ang namatay, sumunod namang magsalita si Pangulong Duterte.

Sa limang minutong talumpati, idiniin ni Duterte ang tungkol sa karapatang-pantao sa mga lider ng 18 bansa, kabilang ang Estados Unidos.

“Let me tell you about human rights,” sabi umano ni Duterte habang ipinapakita ang lumang larawan ng notoryus na pagpaslang ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino noong ang Pilipinas ay sakop at kontroldo pa ng nasabing dayuhang bansa, ayon sa isang diplomat sa media.

Ani Duterte: “This is my ancestors being killed, so why now we are talking about human rights?, bilang reaksiyon sa naunang pahayag ni Obama sa ASEAN Summit hinggil sa paggalang sa karapatang-pantao ng mga inuusig ng pamahalaan ng Pilipinas na nagkasala sa batas hinggil sa iligal na droga.

Ang pahayag ni Duterte ay tahasan niyang pagtutol sa paksa ng karapatang-pantao sa iisang konteksto, o partikular na pangyayari sa Pilipinas, kundi sa buong mukha ng pagkilala at paggalang sa karapatang-pantao ng mamamayan.

“We have to talk of the full spectrum of human rights,” ang siyang argumento ni Duterte, banggit ng ilang lider na nakapakinig sa talumpati ng Pangulo.

Hindi pinalawig ni Duterte ang ibig sabihin ng “full spectrum,” ngunit marahil ito ay tumutukoy sa iba’t ibang aspeto, pananaw, at perspektiba ng karapatang-pantao.

“Tahimik, ngunit nagulat” ang mga nakapakinig kay Duterte, banggit ng ilang diplomat sa media.

Simula nang itatag ang ASEAN 50 taon na ang nakalilipas, hindi kailan man binatikos ng Pangulo ng Estados Unidos ang isa pang bansa hinggil sa umanoy pagkakamali nito sa karapatang pantao na nauwi sa pagpapaalala ng bansang binabatikos hinggil sa masamang rekord nito sa karapatang pantao.

Sa 2017, ang Republika ng Pilipinas ang mamumuno sa ASEAN Summit.

Tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pang pamumuno at mga reesponsibilidad nito sa payak na seremonya kamakalawa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like