Malakas pa rin ang Ekonomiya

 

philippine-moneyNi: Roy Bersales

 

SA kabila ng pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika at pagbibitaw ng mga negatibong pahayag, tiyak na maganda pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas, ayon sa isang ekonomista.

Katunayan, aabot sa 6.5% ang gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong huling bahagi ng 2016, diin ni Rajic Biswas, Asia Pacific chief economist sa IHS.

Ang 6.5% GDP ay resulta ng malakas na demand ng mamimili, ani Biswas.

Aniya, ang nagpapagana ng malakas na demand ay ang itinutulak ni Duterte na maraming imprastrakturang proyekto at paglaki ng pagpasok ng pera sa bansa mula sa sektor ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa proyektong imprastraktura, maraming tao ang magkakaroon ng trabaho na bagamat hindi regular ay magkakaroon sila ng regular na kita sa mahaba-habang buwan, sapagkat maraming buwan ang gugugulin bago matapos ang isang proyekto ng gobyerno.

Kaya, malaking bilang ng mga manggagawa ang mayroong pera kada buwan upang  mamili ng mga batayang pangangailangan sa kanilang bahay.

Ganoon din ang punto sa OFWs—maraming Pilipino ang magkakaroon ng maraming pera na magagamit panggastos sa pamilya.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), nasa 12 milyon ang OFWs.

Kailangan magkaroon ng pera ang mga Pilipino umandar pasulong ang ekonomiya, sapagkat ang Sistema ng ekonomiyang umiiral sa Pilipinas ay nakabatay sa pagkosumo ng mga gamit.

Ibig sabihin, kailangan magkaroon ng pera ang mga Pilipino upang mabili nila ang kanilang mga pangangailanga.

“At the moment, the Philippines is the best performing country in Asia. It is still extremely dynamic,” saad ni Biswas.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like