Mahilig sa art? Sali na sa Rizal Visual Art Jam

KUNG bitin pa ang mga summer workshop na inyong napuntahan, maaari pang sumali sa Summer visual Art Jam 2 na pinangungunahan ng kilalang transmedia artista na si Orville D.R Tiamson.

Naglalayon ang workshop na paunlarin ang kaalaman tungkol sa basic structure, forms, texture, composition at color application, hands on application. Mayroon ding diskusyon tungkol sa case study artworks, demo ng watercolor painting at oil painting. Gaganapin ang nasabing workshop sa Atelier Orville D.R. Tiamson, Tiamson Road, Pag-asa, Binangonan,Rizal, mula Mayo 13 hanggang 17, 2013.

Patuloy na tinataguyod ng mga organisasyong sa Angono ang mga summer workshop na makapagbibigay libangan ngayong tag-init upang maging produktibo ang mga kabataang nagbabakasyon. [Rica Canon]

You May Also Like