Magulang ng mga inabandonang bata, hinahanap

MATAPOS matagpuan ang isang dalawang linggong gulang na sanggol sa Fatima, Cebu City, nagpupursigi ngayon ang Department of Social Welfare at Development (DSWD) na matagpuan ang mga magulang o kamag-anak nito.

Nakita ni Jimmy Generalao ang batang lalaki na nagngangalang Renante Generalao sa R. Padilla Fatima Street, Barangay Duljo, Fatima, Cebu City noong Agosto 14, 2012.

Si Lady Jane Macahig naman ay iniwan ng kanyang ina na nakilala bilang si Lucy Acosta Macahig noong Marso 13, 2011, pagkatapos ipanganganak sa Center Margaritha Birthing sa Cebu City.

Ang DSWD ay humihiling sa mga magulang, kamag-anak o kaibigan ng mga nasabing mga bata na makipag-ugnayan sa DSWD sa MJ Cuenco Avenue, Cebu City o tumawag sa 4167516 o 4167646.

You May Also Like