Maguindanao backhoe operator nagpapalipat ng kulungan

Giniit sa Quezon City court ng umano’y backhoe operator ng Maguindanao massacre na bigyang pansin ang kanyang kahilingan na mailipat siya ng kulungan mula QC-extension detention cell saTaguig papuntang Camp Crame.

Sa apat na pahinang mosyon na inihain sa QCRTC branch 221, hiniling ng abogado ni Bong Andal na si Atty. Romarico Ayson kay Judge Jocelyn Solis Reyes na maaksiyonan ang unang kautusan ng naturang hukom dahil hindi nasuring mabuti ng prosecutor ang kanyang testimonya kaugnay ng kaso.

Nabatid sa mosyon sa paunang pagsusuri na hindi ibinunyag ni Andala ang kanyang nalalaman sa massacre dahil natakot siyang madamay ang kanyang kapatid at tatay na nagtatrabaho sa kaanak ng political clan.

Napaulat din na ang ama at kapatid ni Andal ay nakatakdang tumestigo sa kasong plunder, subalit hindi nakasaad sa mosyon kung kanino laban ang testimonya.

Si Andal na kasalukuyang nakakulong  sa PNP Custodial Center sa Camp Bagong Diwa ay inaresto noong Nobyembre 24, 2012 sa Midsayap, North Cotabato.

You May Also Like