Magbitiw ka na De Lima!—Gadon

 

 

Ni: Joel O. Amongo

 

PINAGBIBITIW ni Atty. Larry Gadon si Senator Leila De Lima sa Senate Committee on Justice dahil wala nang tiwala sa kanya ang taumbayan makaraang mabunyag ang sandamukal na kontrobersiya sa buhay ng senadora.

Idiniin ni Gadon na dapat magbitiw si De Lima sa kanyang pagiging chairperson ng nasabing komite dahil sa pagkakaroon nito ng lover na mayroong pamilya at koneksiyon nito sa sindikato ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Samantala, inilinaw ng abogado na hindi niya sinabing guilty ang senadora sa mga akusasiyon laban sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero, aniya, masyadong malala ang kontrobersiya na nauwi sa pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa kanya.

“Masyado nang mabaho ang isyu sa kanya (De Lima), kaya dapat magbitiw na siya,” ani Gadon.

Sabi pa niya, hindi na magandang manatilli pa si De Lima sa pagiging chairman ng Senate Committee on Justice dahil nga sa kinasasangkutang mga kontrobersiya na nakasisira pa sa pagiging kasapi niya ng Judicial Bar Council (JBC).

Si De Lima ay isa ring abogado.

Ayon kay Gadon, ang JBC ay nagrerekomenda para sa mga magiging justices ng Regional Trial Court (RTC), Metropolitan Trial Court, Sandiganbayan, Cour of Apeals (CA) at Korte Suprema.

Isa sa mga isyu laban kay De Lima ay ang pagkakaroon ng relasyon nito sa kanyang driver na si Ronie Dayan.

Nang matapos ang relasyon ng dalawa, ang bagong karelasyon umano ni De Lima ay isang “Warren” ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ayon kay Duterte.

Si Dayan ay sanngkot sa iligal na droga, namggit ni Duterte.

Idiniin pa ni Gadon na ang mas mabuting maging chairman na  lamang si De Lima ng Senate Committee on Labor and Transportation.

Naniniwala si Gadon na mas makakatulong si De Lima sa mga driver sa buong bansa kung siya ang mamumuno sa Labor and Transportation Committee.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like