Magbibitiw na ako matigil lang si Digong!—De Lima

BAHAY NG DRIVER NI SEN. DE LIMA: Ang bahay na ito na matatagpuan sa Urbiztondo, Pangasinan ay siyang bahay ni Ronnie Dayan, ang driver-bodyguard ni Senadora Leila Magistrado De Lima simula pa noong pribadong abogada ang bagitong senadora. ng kuwestiyon dito ay dapat malamaan kung personal na pera ni De Lima, o pera ng pamahalaan ang ginamit sa pagpapattayo nito, o hindi. (Edward Ramos)
BAHAY NG DRIVER NI SEN. DE LIMA: Ang bahay na ito na matatagpuan sa Urbiztondo, Pangasinan ay siyang bahay ni Ronnie Dayan, ang driver-bodyguard ni Senadora Leila Magistrado De Lima simula pa noong pribadong abogada ang bagitong senadora. ng kuwestiyon dito ay dapat malamaan kung personal na pera ni De Lima, o pera ng pamahalaan ang ginamit sa pagpapattayo nito, o hindi. (Edward Ramos)

Nina: Boy Celario at Joel O. Amongo

HANDANG magbitiw si Senadora Leila Magistrado de Lima kapag napatunayang sangkot siya sa iligal na droga para lamang matigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa kababanat sa kanya.
 
Ito ang hamon ni De Lima sa mga bumabatikos sa kanya, partikular na si Duterte.
 
Idiniin ng baguhang mambabatas na “I will resign” kung may tunay at totoong ebidensiyang magpapatunay na sangkot siya sa sindikato ng droga.
 
Habang pinaiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umanoy koneksiyon ni De Lima sa sindikato ng droga sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP) ay tahasang itinanggi na ni De Lima ang akusasyon.
 
Si De Lima ay anim na taong naging kalihim ng DOJ bago tumakbong senador.
 
Ika-12 siya sa labindalawang nanalong senador.
 
Nasa ilalim ng DOJ ang NBP at NBI.
 
Mabigat ang isyu laban kay De Lima, sapagkat Pangulo ng Pilipinas ang naglantad sa kanyang umanoy iligalidad.
 
Bukod sa may kaugnayan sa mga drug lord sa NBP, idiin ni Duterte na “imoral” na babae si De Lima.
 
Kung bakit, kasintahan daw ni De Lima ang kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, sabi ng Pangulo.
 
Si Dayan ay driver-bodyguard na ni De Lima simula noong siya ay pribadong abogado pa lamang.
 
Nawala si Dayan kay De Lima bago maging senador ang huli.
 
Sa press conference nitong Sabado, inamin ng senadora na napalapit sa kanya si Dayan hanggang nagkaroon ng ibang antas ng ugnayan sa pagitan nilang dalawa.
 
Ngunit, ayaw niyang idetalye sa media ang eksaktong istatus ng pagsasama nila ni Dayan mula nang magtrabaho sa kanya ito.
 
Si Dayan ay taga-Urbiztondo Pangasinan, ayon sa ulat.
 
Si De Lima ay matagal nang hiwalay sa kanyang asawa na isa ring abogado.
 
Sabi ni Duterte, maaaring maging testigo ang driver ni De Lima laban sa kanya.
 
Sabi ni De Lima, nagtatago na raw ang kanyang driver dahil sa labis na takot.
 
Aniya, tila ipinunto ni Dayan na hinahanting siya ng mga awtoridad.
 
Natatakot na rin ang pamilya ni Dayan, patuloy ng senadora.
 
Si Dayan ay may sariling pamilya bago pa man maging empleyado siya ni De Lima.
 
Pinaniniwalaang ang ‘galit’ ni Duterte kay De Lima ay nang mag-imbestiga siya noon kay Duterte hinggil sa isyu ng Davao Death Squad (DDS) sa Davao City.
 
Ginawa ito ni De Lima noong panahon ng eleksyon na pinaniniwalaang dahilan ng galit ni Duterte sa senadora.
 
Emosyonal ang senadora sa press conference nang manawagan ito kay Duterte na maghinay-hinay sa mga akusasyon laban sa kanya kung wala naman itong sapat na ebidensya.
 
“Suriin n’yo po mahal na Pangulo ang mga ‘yan (ebidensya),” ani De Lima,  bago siya ‘pagbabarilin’ ni Duterte.
 
Aminado si De Lima na labis na siyang nasasaktan sa walang  puknat na atake sa kanya ng Pangulo hinggil sa pagkakasangkot sa kanya bilang protektor ng mga drug lord sa NBP at ang pagdidiing mayroon siyang espesyal na relasyon sa kanyang driver-bodyguard.
 
Sabi pa ni De Lima na ang katotohanan ay nilalabag ng Presidente ang kanyang karapatang pantao dahil sa patuloy na pagdadawit sa kanya bilang protektor ng mga drug lord sa NBP gayong walang ebidensya laban sa kanya.
 
“Ano po ang kasalanan ko, saan ito hahantong?,” tanong ni De Lima.
 
Aniya, hindi siya magtataka na sa mga susunod na araw ay may lulutang na tetestigo, o magdidiin sa kanya na sangkot siya bawal na gamot.

You May Also Like