Maduro, panalo bilang pangulo ng Venezuela

VENEZUELA — Ang kandidato ng partidong sosyalista na si Nicolas Maduro ang nanalo sa eleksiyon ng pagka pangulo sa Venezuela.

Si Maduro, personal na pinili ng pumanaw na lider ng naturang bansa na si Hugo Chavez ay nagkamit ng 50.7% ng boto laban sa kandidato ng oposisyon na si Henrique Capriles sa 49.1% na boto, kung saan 80% ng botante ng bansa ay nakaboto.

Sinabi naman ng komisyon na namamahala ng eleksiyon na ang resulta ay hindi na mababago.

Wala naman komento tungkol dito si Capriles na kamakailan lang ay nag-anunsiyo na may iilang elemento na nais pakialaman ang resulta ng halalan.

Manunumpa naman si Maduro sa darating na Abril 19 at magsisilbi hanggang Enero 2019.

You May Also Like