Mabagal na Pag-unlad ng mga Bata P328-B ang Nasayang sa Ekonomiya

 

Ni: Roy Bersales  

 

SAYANG ANG MGA BATA: P328 Bilyon, o katumbas ng 3% gross domestic product (GDP) ang hindi naaambag ng mga bata, simula noong 2013,  sa ekonomiya dahil sa problema sa pag-unlad ng isipan at pangangatawan ng mga bata bunga ng kawalan ng sapat naa nutrisyon, ang siyang punto ni Save the Children Philippines Country Director Ned Olney sa isinagawang presentasyon sa media ng nasabing non-governmental organization. (Jay-Ar Ortonero)
SAYANG ANG MGA BATA: P328 Bilyon, o katumbas ng 3% gross domestic product (GDP) ang hindi naaambag ng mga bata, simula noong 2013, sa ekonomiya dahil sa problema sa pag-unlad ng isipan at pangangatawan ng mga bata bunga ng kawalan ng sapat naa nutrisyon, ang siyang punto ni Save the Children Philippines Country Director Ned Olney sa isinagawang presentasyon sa media ng nasabing non-governmental organization. (Jay-Ar Ortonero)

ESTRATEHIKO ang papel ng pag-unlad ng mga bata sa ekonomiya ng isang bansa, sapagkat substansiyal ang ambag nito sa gross national product (GDP).

Subalit, napakaraming bata ang mabagal ang pag-unlad ng pag-iisip at pangangatawan, diin ni Save the Children Philippines Country Director Ned Olney, sa isinagawang presentasyon ng nasabing non-governmental organization hinggil sa istatus ng kalusugan ng mga batang Pilipino.

Sa aklat na “Cost of Hunger: Philippines,” malinaw na ipinakita ng Save the Children Philippines na pumapalo sa tatlong porsiyento ang hindi naipapasok ng mga bata sa GDP taun-taon simula noong 2013 dulot ng sinasabing kabagalan ng pag-unlad.

Ayon kay Olney, ang 3% GDP ay tinatayang aabot sa P328 Bilyon.

Aniya, hindi pumapasok ang P328 Bilyon sa GDP, sapagkat ang mga batang mabagal ang  pag-unlad ay nababawasan kundi man tuluyang nawawala ang kanilang kayang iambag sa produksiyon at edukasyon.

Sa P328 Bilyon, P166.5 Bilyon ang hindi napunta sa suweldo ng mga manggagawa dahil sa mababang antas ng edukasyon, o kaalaman ang kanilang napag-aralan noong sila ay bata pa.

Tinatayang P160 Bilyon naman ang nawala sa produksiyon dahil sa maagang pagkamatay ng mga bata.

Ani Olney, ang mga batang namatay ay umabot sana sa P160 Bilyon ang naiambag taun-taon sa GDP simula noong 2013 kung hindi namatay ang mga bata.

Ang kanilang pagkamatay ay resulta ng kakapusan ng tamang pagkain na nauwi sa pagkabagsak ng kalusugan ng mga bata, patuloy niya.

Kung buhay pa ang mga bata ay bahagi sana sila ngayon ng populasyon na magsisilbing puwersa sa ekonomiya ng bansa, dagdag ni Olney.

Isama pa ang P1.23 Bilyong nawawala dahil sa malaking gastos sa edukasyon dulot ng paulit-ulit na pag-aaral dahil may problema sa nutrisyon ang mga bata.

Idiniin ni Olney na ang pag-aaral na isinagawa ng Save the Children Philippines ay kongkretong patunay na ang kawalan ng nutrisyon ay masyadong malaki ang nawawala sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, ang 3% nawawala sa GDP dahil hindi nakapag-ambag ang mga bata sa produksiyon kung tutuusin ay maaari pang madagdag ito ng 0.5% hanggang 1.6 porsiyento kung isasama pa ang aspeto ng kalusugan ng mga bata.

Tinukoy din sa parehong pag-aaral ng Save the Children na maliit lang ang badyet ng pamahalaan sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga bata  na umaabot lamang sa 0.52%  kumpara sa 2.1% ng maraming bansa sa daigdig.

Sabi niya, dapat malaki ang ipinapakitang malasakit ng pamahalaan sa nutrisyon ng mga bata upang maging malusog ang mga ito.

Sa gayon, hindi mabilis na uunlad ang mga ito at makapag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng bansa.

“Nutrition is the cornerstone of all development efforts. This new report tells us that for every one US dollar spent on programs to avert stunting in children below 2 years old, the Philippines could save over 100 US dollars in health, education and lost productivity costs,” paliwanag ni Olney.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like