Lumad, Iginalang at Kinilala ni Lopez

 

 

Ni: Marites Badilla

SA kauna-unahang pagkakataon iginalang at kinilala ng pamahalaan ang mga katutubong Lumad ng Mindanao.

Ipinakita ito ng pamahalaan sa pamamagitan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina Lopez nang hingiin niya sa samahan ng mga Lumad ang kanilang plano kung paano pauunlarin ang kanilang pamayanan na sinira ng pagmimina ng mga dambuhalang mining company.

Ang pagkuha ni Lopez sa plano mula sa mga Lumad ay nakabatay sa desisyon ng kalihim na ipatigil ang operasyon ng mining firms na nakasisira sa kapaligiran at lumalabag sa environmental laws.

Ang insidenteng ito na naganap kamakalawa sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay tunay ngang nakatatayo ng balahibo at nakaluluha, sapagkat hindi akalain ng mgaLumad na  magkakaroon pala ng tagpo sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan diretsong kakausapin, pakikinggan, at hihingan pa ng plano ang mga Lumad mismo ng kalihim ng DENR.

Hindi ito naganap kahit kailan.

Katunayan, ginamitan pa ng puwersa-militar ang Lumad sa nakalipas na administrasyon na nauwi sa pagkamatay ng ilang lider at miyembro ng samahan ng mga Lumad.

Hanggang ngayon, malaya at aktibong-aktibo pa ang mga sundalong sangkot sa pamamaslang ng mga Lumad.

Sa naganap na pulong, ipinarating ng mga Lumad kay Lopez ang masamang epekto ng pagmimina sa kanilang pamayanan, kalikasan, kabuhayan, at kalusugan.

Tinukoy ng mga Lumad ang Sagittarius Mines Inc. (SMI) sa  Tampakan, Sultan Kudarat; SR Metals Inc. sa Tubay, Agusan del Sur; Greenstone Mining at  Taganito Mining na parehong matatagpuan sa Surigao del Norte ang siyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay at pamayanan.

Binanggit din nila na bukod sa pagmimina, malaking problema rin ang iligal na pagtotroso sa kanilang lugar ng mga kumpanyang may  kinalaman sa kahoy ang negosyo.

Hiniling din nila sa kalihim ng DENR na ipatigil ang militarisasyon sa kanilang lugar upang makapamuhay sila ng maayos at mapayapa.

Naniniwala ang mga Lumad na ang militarisasyon ay kahilingan ng mga malalaking mining firm sa nakalipas na administrasyon upang matiyak na maayos at walang tumututol sa kanilang pagmimina.

Mariing hiniling din ng mga Lumad kay Lopez na maibalik sa kanila ang mga lupa na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno.

Ang mga hinaing ng mga Lumad ay malaking hamon sa administrasyong Duterte, partikular sa DENR, sapagkat malalaking kumpanya ang inirereklamo ng mga katutubo sa Mindanao.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, isang mananaliksik na grupo, tatlong porsiyento lamang ang ambag ng industriya ng pagmimina sa gross domestic product (GDP) ng bansa kada taon nitong nakalipas na sampung taon.

Ang GDP ang sukatan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.

Maliit din ang trabahong naiambag ng mga minahan, patuloy ng Ibon.

Idiniin din niya na ang lahat ng tao, kriminal man o hindi, ay mayroong karapatan bilang tao na ginarantiyahan ng Saligang-Batas.

Tinukoy ni Santos na ang probisyon hinggil sa karapatang-pantao na nakasaad sa Saligang-Batas ay siyang batayan na nararapat lamang na igalang ang karapatang pantao ng mga pinaniniwalaang kriminal at isailalim sa tama, wasto, at ligal na proseso sa anumang kinasasangkutan nilang  kaso, kabilang ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Batay sa Bill of Rights na nakasaad sa Saligang-Batas, walang sinumang tao ang mananagot ng krimen nang hindi nagpapasya ang korte.

You May Also Like