Lucy Torres, stay pa din sa kanyang pwesto

NANINDIGAN si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na manatili sa kanyang pwesto sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na siya ay patalsikin sa Kongreso.

Ayon sa kongresista, hindi siya bababa sa posisyon dahil hindi pa pinal ang desisyon ng Supreme Court (SC).

Bukod pa sa nasabing dahilan, hindi pa rin aniya natatanggap ng kanyang abogado ang kopya ng ibinabang desisyon. Dahil dito ay nagplaplano ang kanyang kampo na maghain ng motion for reconsideration.

Bwelta niya sa kanyang kalaban na si dating Rep. Eufrocino Codilla Jr., na kahit pa madaliin nito ang proseso ay hindi pa rin ito maaaring pumalit sa kanyang pwesto dahil wala itong mandato mula sa taongbayan. Ayon pa sa mambabatas, mananatili siya sa pwesto hanggang wala silang natatanggap na kopya ng resolusyon ng SC.

Matatandaang nagpalabas ng desisyon ang SC na nagpapatalsik kay Torres-Gomez bilang kongresista ng Ormoc dahil sa hindi balido ang pag-substitute nito sa asawang si Richard Gomez na nadiskuwalipika bunga ng kwestyunableng residency status nito. (GC)

You May Also Like