LTO, pinakamaraming fixer; BOC second lang—CSC

Exclusive

Ni: Joel O. Amongo

NANGUNGUNA sa rami ng “fixer” ang Land Transportation Office (LTO), ayon sa Civil Service Commission (CSC).

Sa panayam ng Tapat News online sa kanya, idiniin ni Maria Luisa Salonga-Agamata, direktor ng CSC Public Assistance and Information Office, na ang LTO ang pinakamaraming fixer sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Kung may fixer, tiyak mayroong korapsiyon, tugon ni Agamata.

Pero, hindi ipinirmes ni agamaata na kung pinakamarami ang fixer ay siya nang pinaka-corrupt.

Pumapangalawa sa LTO ang Bureau of Customs (BOC) sa rami ng fixer, patuloy ng opisyal.

Ang fixer ay mga taon hindi kawani ng pamahalaan, ngunit sila ang nakikipag-usap sa kliyente ng ahensiya ng pamahalaan tulad ng LTO upang mapabilis  ang transaksiyon kapalit ang malaking halagang iaabot sa opisyal ng ahensiya.

Hayagang umiiral ito kahit na may nakapaskil na paalala sa publiko na “no fixer is allowed” sa nasabing tanggapan.

Kahit ang bagong hepe ng LTO na si Edgar Galvante ay alam ang tungkol sa fixer sa nasabing ahensiya.

Ang totoo pa nga raw ay pinatutukan kay Galvante ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang ito.

Ayon kay Agamata, nadiskubre ng CSC ang malalang fixing  system sa LTO at BOC sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga  “mystery shopper” mga taong nag-imbestiga sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan, kabilang na ang LTO at BOC.

Ang “mystery shopper” ay kunwaring may transaksyon sa mga nasabing ahensiya upang malaman kung gaanong kabilis ang serbisyo ng mga tanggapan ng gobyerno sa taumbayan, paliwanag ng opisyal.

Tiniyak din ni Agamata na maaaring kasuhan ang mga opisyal ng pamahalaan ng asuntong kriminal at administratibo kung patuloy nilang  hindi matatanggal ang malalang fixing system.

Ipararating ddin ng CSC kay Duterte ang problema kapag hindi mapahinto ang fixing sa LTO at BOC.

Kamakailan ay idiniin ni Duterte na dapat nang wakasan ang korapsiyon at pandarambong sa pamahalaan.

Ayon sa Republic Act 9485 o Anti-Red Tape Law, ang mga parusa sa paglabag sa batas na ito ay ang mga sumusunod: pagkabilanggo ng anim na taon o multang aabot sa P200,000.oo ang pinakamataas o magkasama ang dalawa, depende sa bigat ng antas ng fixing.

You May Also Like