LTO Chief Galvante, Pasang Masda Boss, Tinambakan ng Kasong Kriminal sa Ombudsman

 

EDGARDO GALVANTE
EDGARDO GALVANTE

Ni: Jan Sinocruz

 

ANO kaya ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘bata’ nito sa Land Transportation Office (LTO) na wala na ngang nagawa upang sugpuin ang talamak na katiwalian at  korapsyon sa nasabing ahensya, kinasuhan pa ng sangkaterbang kasong kriminal sa Office of the Ombudsman.

Nabatid ng Tapatnews.com na patung-patong ang kasong inihain kay LTO Chief, Assistant Secretary Edgar Galvante, sa Office of the Ombudsman.

Si Galvante ay itinalaga ni Duterte saa paaniwalang kayang-kaya nitong tapusin ang napakatalamak na katiwalian at korapsyon sa LTO.

Ngunit, hanggang ngayon ay wala pang nakakasuhan at napapaalis si Galvante sa LTO.

Bukod kay Galvante, ang ba pang kinasuhan ay sina Rolando Abelardo, Manuel Calima, at Orlando Dunque Jr. ng LTO Central Office sa Quezon City.

ROBERTO "KA OBET" MARTIN
ROBERTO “KA OBET” MARTIN

Isinama rin sa kaso si Roberto “Ka Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda.

Ang isinampa ng D’ Amazing Transport laban sa pangkat ni Galvante at ni Martin ay grave coercion, grave misconduct prejudicial to the best interest of the service, grave abuse of authority, gross neglect of duty, usurpation of official function, at unjust vexation.

Ayon sa grupong D’ Amazing Transport, masyado nang napaghahalata ang pagkampi ng LTO at maging ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kay Martin dahil sa pabor sina Galvante, Abelardo, Calima, at Dunque sa biyaheng Pasang-Masda ‘Out of Line.’

Lumalabas na hindi man lang kahit kailan nasita ng LTO at LTFRB ang biyaheng Pasang Masda sa Monumento-SM North EDSA at Munoz-SM North-EDSA.

Napagalaman na napilitan na magsampa ng D’ Amazing Transport kay Galvante bunsod na rin sa ginawang paghuli sa mga tauhan ng kanilang grupo noong Setyembre 2, 2016, sa Tabang, Guiguinto, Bulacan NLEX Exit, at sapilitang pagkumpiska at pag-impound ng minamanehong UV Express dahil na rin sa umano’y sulsol ni Martin sa mga opisyal ng LTO.

Nabatid ng D’ Amazing Transport, sa kasalukuyan ay patuloy pa rin namamayagpag ang biyahe ng Pasang Masda sa mga nabanggit na ruta kahit ito ay wala sa kanilang linya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like