Low earners, senior citizens may discount sa tubig – Maynilad

MAYNILADUpang mapagaan ang bayarin ng mga low earners sa bansa, nagkakaloob ang West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng discount sa singil sa tubig sa mga ito na nasa kanilang mga concession area.

Ang mga low earners na gumagamit ng hindi hihigit sa 10 cubic meters (cu.m.) na tubig kada buwan ay tatanggap ng 41 porsiyentong discount sa basic water rate nito sa kumpanya.

Bukod dito, nagkakaloob din ng bawas-gastos sa water service application fees ang kumpanya.

Mula sa standard fee dito na P8,160 kasama na ang guarantee deposit, ang mga ito ay sisingilin lamang ng P3,000 ng Maynilad upang madaluyan lamang ang mga ito ng sapat na suplay ng malinis na tubig.

Ang mga senior citizens naman na kokonsumo ng hindi hihigit sa 30 cu.m. Kada buwan ay may 5 porsiyentong discount mula sa Maynilad.

Ang mga government-owned/non-profit senior citizen centers at pabahay na umaabot sa 2,786 accounts naman ay bibigyan ng 50 porsiyentong discount.

Samantalang ang mga may maliit na negosyo tulad ng home-based sari-sari stores ay magbabayad lamang ng residential charges sa kanilang unang 10 cu.m. na gamit sa tubig mula sa semi-business rate. Kasama dito ang mga institusyon na nagkakaloob ng serbisyo publiko tulad ng public preparatory, elementary, secondary at tertiary schools na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGU); public hospitals na ino-operate ng mga LGU, at mga bilangguan na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan.

You May Also Like