Local absentee voting application, extended! -COMELEC

Kabilang ang mga gurong magbabantay sa mga polling stations sa mga maaaring mag-aplay bilang local absentee voter.
Kabilang ang mga gurong magbabantay sa mga polling stations sa mga maaaring mag-aplay bilang local absentee voter.

NAGPASYA ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na i-extend pa ang deadline para sa pag-aaplay sa local absentee voting sa bansa hanggang Abril 2.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pinalawig ng poll body ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa local absentee voting bunsod na din ng kahilingan ng iba’t ibang kumpanya at ahensya ng pamahalaan.

Magugunitang batay sa resolusyon ng Comelec, ang deadline para sa government employees, mga pulis at sundalo na nais mag-avail ng pribiliheyo ng local absentee voting ay nakatakda sanang magtapos noong Marso 15, para naman sa mga miyembro ng media ito ay sa Marso 31 pa.

Sa ilalim ng local absentee voting, maaaring bumoto ang mga pulis, sundalo, public school teachers at mga mamamahayag, na nag-avail ng absentee voting, dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 13 o mula Abril 28 hanggang 30.

Nabatid naman na kinakailangan lamang umano na aktibong registered voters ang mga nasabing indibidwal subalit ang maaari lamang iboto ng mga ito ay mga kandidato sa partylist at pagka-senador.

You May Also Like