Listahan ng blacklisted recruiters, ilabas – Sen. Bongbong

 Inaasahang dadagsa na naman ang mga OFWs sa mga bansang Iraq at Yemen dahil sa bagong status nito.
Inaasahang dadagsa na naman ang mga OFWs sa mga bansang Iraq at Yemen dahil sa bagong status nito.

HINIHIKAYAT ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isapubliko sa pamamagitan ng tradisyunal at social media ang mga blacklisted recruitment agency na nambibiktima ng mga aplikanteng OFWs.

Ito ay kaugnya ng pagtanggal ng ban sa deployment ng Filipino workers sa Iraq at Yemen, na siguradong dudumugin na naman ng mga Pilipino at ng illegal recruiters.

Hinimok ng senador ang naturang ahensya na maglabas ng malinaw na guidelines hinggil sa pagde-deploy ng OFWs sa naturang mga bansa, pati ang listahan ng mga recruitment agency na awtorisadong magpadala ng trabahador sa naturang destinasyon.

“Palagi tayong nakakarinig ng malungkot na kuwento ng mga aplikanteng Pilipino na nagbenta ng kanilang ari-arian o kinuha ang naipon sa bangko upang ipanggastos sa pag-aaplay ng trabaho sa abroad, pero nauwi lang sa wala dahil sa illegal recruiters,” pahayag ni Marcos.

Nais din ni Marcos na i-monitor at agad kandaduhan ng POEA ang mga ahensyang humihingi ng sobrang taas na application at processing fees sa mga nag-aaplay na OFW.

You May Also Like