Limang beses na bababa ang bayad sa kuryente sa solar energy

 

 

Ni: Joel O. Amongo
 
MAS maganda kung mula sa solar energy (init ng araw) ang kuryenteng ginagamit ng bawat pamilya sa kanilang bahay, dahil limang beses na mas mababa, o mura ang babayaran sa kuryente kumpara sa binabayaran sa Manila Electric Company (Meralco) bawat buwan.
 
Ito ang tiniyak ni Mike de Guzman, pangulo ng Solaric Philippines, dahil aabot lamang sa P2.00 per kilowatt hour ang bayarin sa kuryente bawat pamilya kung ang gagamitin nila ay solar energy.
 
Ani De Guzman, napakamura ang P2.00 kung ikukumpara sa binabayaran sa Meralco na P10 kilowatt per hour kada buwan.
 
Ayon kay De Guzman, minsan na ring nagkaroon ng P13.80 KWH ang bayarin sa Meralco noong taong 2013 kung saan hindi maipagkakailang masyagong mataas.
 
Kung aircondition ang ginagamit, kailangan lamang na 1.5 KWH sa solar enery para mapatakbo ito, banggit ni De Guzman.
             
Ayon kay De Guzman, sa design date based load ng Solaric Philippines aabot ng  P40,000 hanggang P50,000 ang gagastusin sa solar panel sa loob ng limang taon ay mababawi nito ang ginastos sa air-condition.
 
Aniya, kung kukuwentahan sa P50,000 na pinambili ng solar panel/energy sa loob ng 25-taon ay aabot lamang ito ng P2 ang kada KWH.
              
“Sobrang laki ang deperensiya kung ikukumpara sa bayarin sa kuryente ng Meralco,” saad ni De Guzman.
 
Binanggit din ni De Guzman na ang isang ice plant ay kakailangan nito ng 200 hanggang 300 solar panel na gagastos ng P6 Milyong, pero makatitipid ito ng P130,000 hanggang P150,000 kada buwan sa babayarang kuryente.
 
Inihalimbawa De Guzman ang Quezon City Hall kung nagbabayad ito ng buwanang bill ng kuryente na P5 Milyon hanggang P6 Milyon ay magiging kalahati nito, o eksaktong P3 Milyong ang matitipid sa babayaran kung  solar enery ang gagamitin.
 
“Sa 1,000 square meters na lalagyan ng solar panel ay kaya nitong palamigin ang 1,000 square meters kuwarto ng QC hall,” patuloy ni De Guzman.
               
Ang maganda pa sa paggamit ng solar energy ay “environmental friendly pa ito” bukod sa mura, ayon Yeb Sano, executive director ng Greenpeace Southeast Asia.
 
Ani Sano, walang masisirang kalikasan kung solar energy ang pagkukunan ng kuryente ng bawat palimya, dahil nagmumula lamang ito sa init ng araw.
 
“Nakakabili nga tayo ng cellphone na aabot ng libu-libo ang presyo, [kaya] makakabili rin tayo ng solar panel/energy na mas malaking pakinabang sa atin pamilya,” dagdag niya.

You May Also Like