Libreng summer workshops, handog ng Rizal

summer festival

NGAYONG tag-init, ‘di na kailangang lumayo ang mga kabataan ng Rizal upang maglibang sa panahon ng bakasyon.

Sa libreng Summer Arts Festival, may iba’t-ibang workshop na handog ang mga organisasyon mula sa bayan ng Angono para sa mga mga kabataang mag-aaral sa nasabing lalawigan.

Nakalatag na simula Abril hanggang Mayo ang iskedyul ng mga workshops upang patuloy na pagyamanin ang aking talento ng mga kabataan. Ang mga nagnanais na makilahok dito ay kinakailangang magparehistro sa pamunuang lokal ng Angono.

Naging positibo naman ang tugon ng mga kabataang nakabasa nito sa Facebook page ng pamunuang lokal ng Angono.

Kinikilala naman ang lalawigan ng Angono bilang ‘Art Capital of the Philippines’. [Rica B. Canon]

You May Also Like

  • I read a lot of interesting articles here. Probably you spend a lot of
    time writing, i know how to save you a lot of work, there is an online tool that creates unique,
    google friendly articles in seconds, just type in google – laranitas free content source