Libreng lunas sa sakit? Sa kusina ang takbuhan!

libreng lunas bawang - Alessandro PaivaLunas na ‘di mahal ang hanap mo? Pwes, hindi ka na kailangang maghanap sa malayo o bumili sa drug store. Kung sipon, ubo, sakit ng ulo, sirang tiyan o pamamaga man ang kaso, malamang may mahahanap kang lunas sa sarili mong kusina. May mga sangkap sa ating mga pagkain na maaring magamit bilang natural na lunas para sa mga karaniwang karamdaman at impeksyon. Itong mga sangkap na nagbibigay ng sustento sa ating katawan ay nakagagamot rin at maaring kumilos upang suportahan ang natural na mekanismo ng katawan.

Dahil ligtas, mabisa at madaling ihanda, ang mga remedyong erbal galing sa kusina, hindi magiging sanhi ito ng malalang epekto gaya ng antok, pagtatae, allergy at pagkapagod. Heto ang dalawa sa mga natural na remedying makatutulong sa iyo:

Luya

Isang sinaunang pampalasa na ginagamit din sa kanyang katangiang nakapagpapagamot, libong taon na ang nakararaan
Ginamit nga mga Griyego para matunawan at ng mga Intsik para sa pagkalula

Epektibong lunas para sa:

  • ubo at sipon
  • pagduduwal at pagkahilo
  • sakit ng ulo
  • sira ng tiyan
  • pamamaga
  • mataas na antas ng kolesterol
  • fungal infections

Nakagiginhawa ito lalo na sa mga may sipon, ubo, sore throat at sira ng tiyan bilang tsaa, o salabat. Putulin ang isa o dalawang piraso ng luya at balatan para mas nakasisigurong malinis. Pakuluan ito, at ang sabaw ay inumin. Dahil maanghang ang salabat, maaaring lagyan ng kaunting kalamansi o asukal para mas madaling inumin.

Bawang

Kilalang isang alternatibong lunas ng higit limang siglo na aglalaman ng antioxidants at mayaman sa bitamina C at B6, kalsyum, mangganeso, posporus at siliniyum.

Epiktibo bilang:

  • pamatay sa lamok
  • natural na antibiotic
  • panggamot sa sipon, lagnat,respiratory infections, mataasna antas ng kolesterol, bloodclots, pagtatae, rayuma, acne

Para sa lagnat: Magpakulo ng dahon ng bawang at ipahid sa katawan at ulo.
Ubo, sipon, sakit sa lalamunan, pamamalat, at hika: Durugin ang isa o dalawang bawang, ilagay sa tubig, dagdagan ng isang kutsaritang suka, at pakuluan ito. Matapos ay magpa-steak para malanghap ang tinimplang bawang at suka sa mainit na tubig.
Rayuma at sakit ng ngipin: Durugin lamang ang ilang clove ng bawang at ilagay sa bahagi ng katawang apektado
Sakit ng ulo: Durugin ang isang clove ng bawang at ilagay sa tela or manipis na bimpo matapos initin o pakuluan. Ilagay sa magkabilang temples o sa kaliwa’t kanang bahagi ng ulo, sa pagitan ng tainga at mata.
Kagat ng insekto, Durugin o hatiin ang bawang at ikiskis sa bahagi ng katawan na apektado.

You May Also Like