LGUs, Malaki na Ngayon ang Papel sa Proyektong Pang-ekonomiya

 

Ni: Marites Badilla

 

HINDI na lamang ang pambansang pamahalaan ang kikilos upang higit na maiangat at mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary

Ismael Sueno, hinihikayat na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na lumahok na sa “public-private partnership (PPP)” upang mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa.

Kinatigan ni Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) Chief Executive Officer Jose Ma. K. Lim ang pahayag ni Sueno, sapagkat maging ang MPIC ay naniniwala sa konseptong ito.

Ang totoo, ang MPIC ay nasimula????????????????????????????????????n na ang pakikipagkasundo sa LGUs upang isulong ang ekonomiya.

Aniya, katunayan, mayroon nang ilang proyekto ang  gumagana ngayon sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa ng pribadong sektor sa  LGUs.

Dahil sa signipikanteng papel ng pribadong sektor, naglunsad ng DILG ng “Public-Private Partnership for the People (P4).”

Ani Sueno, ang nasabing konsepto ay sumusulong nang hindi ginagambala pa ang pambansang pamahalan na hindi matatawaran ang puntirya na ibayong pagpapaangat at pag-unlad ng ekonomiya.

“This collaborative undertaking is a win for both the government and the private sector, and most of all, the public who will benefit from the services,” saad ni Sueno.

Aminado ang kalihim na siya ay natutuwa, sapagkat ang PPP ay isinasakatuparan na ng ibang pamahalaang lokal.

Ani Lim, napakagandang konsepto na makipagtulungan sa LGUs dahil hindi na kailangang lumapit pa sa pambansang pamahalaan, o sa National Economic Development Authority (NEDA) upang mailunsad ang mga proyekto, lalo na ang pang-impraaktraktura ang proyekto.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like