‘LAWIN’ KAKAININ ANG CAGAYAN-ISABELA

 

ITO ANG MATA NI 'LAWIN': Itinuturo ng taga-PAGASA ang mata ng paparating na suprbagyong 'Lawin'. (Rafael Taboy)
ITO ANG MATA NI ‘LAWIN’: Itinuturo ng taga-PAGASA ang mata ng paparating na suprbagyong ‘Lawin’. (Rafael Taboy)

Ni: Marites Badilla

 

ISANG araw lang ang pahinga nang umalis ang bagyong si “Karen” (sakira, international name), bibirahin na naman ng panibagong bagyo ang Cagayan at Isabela.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong “Lawin” ay papasok sa lalawigan ng Cagayan-Isabela ngayong Huwebes (Oktubre 20) sa bilis na 275 km east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan na may maksimum na lakas ng hangin na 225 kph malapit sa mata ng mismong bagyo at nasa 315 khp ang bugso ng hangin.

Kamakalawa, ginulpi na nang husto ni Karen ang nasabing mga lalawigan at kalapit na lalawigan kung saan milyun-milyong halaga ng pananim at kabuhayan ang tinamaan.

Umabot ng higit 12,000 katao ang napalikas nito ni Karen.

Dumeretso si Karen sa China kung saan halos ganoon din ang ginawa sa nasabing bansa yulad ng ginawa sa Pilipinas.

Itinaas ng PAGASA sa Signal No. 5 at binansagang super bagyo si Lawin, kaya inaasahang napakatindi rin ng epekto nito sa mga negosyante at residente ng mga nasabing lalawigan—kung saan  higit na kawawa ay ang mga magsasaka at manggagawang bukid.

Bukod sa Cagayan at Isabela, inilagay na rin ng PAGASA sa Signal No. 5 ang Kalinga at Apayao.

Signal No. 4 naman ang Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.

Ang La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora ay inilagay sa Signal No. 3.

Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, malakng bahagi Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales, at  Northern Quezon, kabilang ang Polillo Islands.

Sa Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, mamaaking bahagi ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila ay inilagay sa Signal No. 1.

Ang bagyong Lawin ay ang ika-12 malakas na bagyong sumagasa sa bansa ngayong taon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like