Laos na Artista Lang ang Hinuhuli ng PNP

 

 

KRYSTA MILLER (KRYSTALLIN ENGLE sa tunay na buhay)
KRYSTA MILLER (KRYSTALYN ENGLE sa tunay na buhay)

Ni: Jan Sinocruz

 

NAKAHULI na naman ang Philippine National Police (PNP) ng ‘artista’ sa isinagawang buy-bust operation, ngunit matagal nang laos ang nadakip sa Lungsod ng Valenzuela nitong Setyembre 30.

Iprinisinta sa media ni Senio Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, tumatayong direktor ng Quezon City Police District (QCPD), ngayong Lunes (Oktubre 3) si Krista Miller (Krystalyn Engle ang tunay na pangalan) ng Valenzuela at ang mga modelong sina Lia Alelin Bolla (24-taong-gulang) at Jeramie Padolina (30), parehong residente ng Quezon City.

Ang 26-taong-gulang na si Miller at kasama nitong si Aaron Medina ay nahuli sa buy-bust sa Gen. T. de Leon, Valenzuela City gabi ng Setyembre 30.

Ayon kay Eleazar, sila Miller ay nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) at QCPD – Police Station – 8.

Ang naunang naaresto ng QCPD – PS – 8 ay sina Padolina, Bolla at tatlo pang suspek na sina John Enri Barros, Justine del Rosario, at Renato Hernandez Jr., sa buy-bust operation sa kahabaan ng A. Luna St. Barangay Bagumbuhay, Project 4, Quezon City noong Setyembre 30.

Nasamsam sa mga suspek ang pitong piraso ng plastic sachet na mayroong lamang na shabu, isang sachet ng marijuana, at mga drug paraphernalia, subalit ang dalawang modelo ay nakuhanan lamang ng shabu paraphernalia.

Ang pagkakahuli sa kanila ay nauwi sa pagkakadakip kina Miller at Medina, banggit ni Eleazar sa media.

Kaya, lumalabas na ikinanta nila si Miller.

Si Miller ay dating kilalang aktres na palaging sexy

ang papel sa mga pelikula.

Matagal nang walang pelikula si Miller.

Kamakakailn, nadakip din ng operatiba ng QCPD si ‘Sabrina M’ sa buy-bust operation.

Si Sabrina ay matagal na ring wala sa pelikula.

Ayon kay Eleazar, nakuha kina Miller at Medina ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000.

Narekober din sa dalawa ang isang pirasong P100 bill at dalawang pirasong P1,000 bill na ginamit sa buy-bust operation.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like