Lalaya na ang mga magsasaka mula sa oligarkiyang panginoong-maylupang Cojuangco at Aquino

 

 

Ginawang loterya at walang takas na isinandal ang mga magbubukid sa "tadhana" ng higit na paghihirap nang ipatupad ang sistemang tambiolo. Itinapon sa malalayong baryo mula sa kanilang mga residensyal na baryo ang mga magbubukid na higit pang nagbara sa kanilang kakanyahang magsaka ng sariling lupa. May mga alokasyon na sa napakaliit na nga nitong sukat na tig .66 ektarya ay hinati - hati pa sa 2 hanggang 3 magkakahiwalay na lokasyon. May mga alokasyon ng lupa sa lokasyon ng sementeryo, kanal, at may mga alokasyon ng lupa na hanggang ngayon ay di pa makita https://www.facebook.com/landandjusticeluisita
Ginawang loterya at walang takas na isinandal ang mga magbubukid sa “tadhana” ng higit na paghihirap nang ipatupad ang sistemang tambiolo. Itinapon sa malalayong baryo mula sa kanilang mga residensyal na baryo ang mga magbubukid na higit pang nagbara sa kanilang kakanyahang magsaka ng sariling lupa. May mga alokasyon na sa napakaliit na nga nitong sukat na tig .66 ektarya ay hinati – hati pa sa 2 hanggang 3 magkakahiwalay na lokasyon. May mga alokasyon ng lupa sa lokasyon ng sementeryo, kanal, at may mga alokasyon ng lupa na hanggang ngayon ay di pa makita
https://www.facebook.com/landandjusticeluisita

Ni: Boy Celario

 
KUMBINSIDO ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamumuno ni Rafael Mariano na mapalalaya ang mga magsasaka sa loob ng anim na taong termino ng administrasyong Duterte mula sa mga malalaking oligarkiyang panginoong-maylupa na umalipin at nanamantala sa mga magsasaka at pesante sa napakahabang panahon.
 
Idiniin ni Mariano sa press conference na isa sa mga uunahin ng DAR ang Hacienda Luisita na 6,453 ektarya ang lawak.
 
Ang naturang asyenda ay pag-aari ng makapangyarihan at impluwensiyal na pamilya Cojuangco at Aquino.
 
Dalawa sa miyembro ng dalawang pamilya ay naging Pangulong ng Pilipinas at sila ay ang mag-inang sina Corazon Cojuangco Aquino at Benigno Simeon Cojuangco Aquino 3rd.
 
Tinukoy ni Mariano na ang pamilya Cojuangco at Aquino ay pawang mga sagad-saring malalaking oligarkiyang panginoong-maylupa.
 
Ang kanilang napakalawak na asyenda ay matatandaang dinesisyunan na ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka at pesanteng matagal nang nagbubungkal at nagsasaka sa nasabing asyenda, ngunit batay sa rekord ng DAR hindi pa naisasakatuparan ito.
 
Isasama rin ng DAR ang mga napakalalawak na asyenda ng mga oligarkiyang panginoong-maylupa sa Negros.
 
Ang mga magsasaka at pesante sa Negros ay matagal nang ‘pinaglalaruan’ ng mga oligarkiyang panginoong maylupa, tugon ng kalihim.
Ipinaliwanag ni Mariano na ang mga oligarkiyang panginoong maylupa ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan, impluwensya, at koneksyon upang panatilihin sa kanilang ‘sinapupunan’ ang kanilang mga lupa, imbes na ibahagi ang mga ito sa mga magsasaka at pesante upang kanilang pagkakitaan nang todo ang kanilang lupa.
 
Idiniin ni Mariano, dapat ang lahat ng lupang agraryo na matagal nang sinasaka ng mga magsasaka ay nararapapat na ipamahagi sa mga magsasaka alinsunod sa bisa ng repormang agraryo.
 
Sabi pa ng kalihim, ang pagpapalaya sa mga magsasaka mula sa mga oligarkiyang panginoong-maylupa ay nakabatay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Idiniin umano ni Duterte na nararapat nang palayain ang mga magsasaka mula sa ‘pagkakagapos’ sa mga malalaking oligarkiyang panginoong-maylupa.
 
Ani Mariano, ang plano ng DAR ay nakahulma sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo kung saan kabilang ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
 
“Desidido ang DAR na ipatupad ang tunay na repormang agraryo kabilang na ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka” ani Mariano.

You May Also Like