Lalake, nakitaan ng talim ng kutsilyo sa likuran

CANADA—Nakitaan ng talim ng kutsilyo ang isang lalaki sa Canada matapos magreklamo ng pananakit at pangangati.

Nakuha sa likuran ni Billy McNeely ang talim ng isang kutsilyo na hinihinalang nakaligtaang mapansin ng mga doktor na gumamot sa kanyang sugat tatlong taon na ang nakalilipas nang siya ay saksakin ng limang beses sa isang away.

Noong nakaraang linggo, kinamot ni McNeely ang kanyang likod kung saan nahagilap ng kanyang kuko ang dulo ng 7.5cm na talim at natuklasan ito.

Nang tinahi ang kanyang mga sugat, hindi kinunan ng x-ray si McNeely. Inaalam pa kung sasampahan niya ng kaso ang lokal na kagawaran ng kalusugan na gumamot sa kanya.

You May Also Like