‘Labis na Kuwalipikado si Ferdinand E. Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani’—AFP

 

 

 
Ni: Marites Badilla
 
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy na tuloy nang maililibing ang mga labi ni Presidente Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
 
Sa Setyembre 18 nakatakdang ilibing si Marcos, ayon sa AFP.
 
Nabatid ng Tapat News online at bi-monthly newspaper na puspusan na ang pag-aayos sa pagpupuwestuhan ng labi ni Marcos sa 103-ektaryang LNMB.
 
Ang libing ni Marcos ay kaparis nang ginawa kay dating Pangulong Elpidio Quirino.
Ibig sabihin, ito ay sa porma ng “state funeral,” kung saan bibigyan siya ng parangal na nauukol sa isang naging Pangulo ng bansa.
 
Si Marcos ay namatay noong Setyembre 28,1989.
 
Ayon sa hepe ng public affairs office ng Department of National Defense (DND) na si Arsenio Andolong, walang dudang kuwalipikadong-kuwalipikado si Marcos na ihimlay sa LNMB, sapagkat pasok siya sa mga rekisitong ginagamit upang payagan ang sinumang ililibing sa LNMB.
 

Idiniin ni Andolong na mayroong “certain requirements that has to be satisfied and I believed based on these regulations, he Marcos] is qualified [to be buried at the LNMB].”

DND

 
Batay sa alituntunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga maaaring maihimlay sa LNMB ay iyong nagkaroon ng “Medal of Valor Awardees, mga Pangulo ng bansa (Commander-in-Chief ng AFP), naging kalihim ng DND, AFP Chiefs of Staff, at mga heneral/opisyal ng AFP.
 
Si Marcos ay naging Pangulo ng bansa mula 1965 hanggang 1986.
 
Ganito rin kahaba ang panunungkulan niya bilang commander-in-chief ng AFP.
 
Naging kalihim din ng DND si Marcos.
 
Itinuring din siyang bayani noong ikalawang digmaang pandaigdig.
 
Ngunit, kinukuwestiyon ito ng mga maka-kaliwa at komunistang organisasyon.
 
Para sa kampo ng pamilya Marcos, hindi na bago ang pagtutol ng naturang mga grupo, kaya hindi na nila ito iniintindi.
 
Inaasahan ng pamilya Marcos na muling pagtutuunan ng pansin ng mga makakaliwa at komunistang grupo upang maisingit ng mga ito ang mga kanilang luma at gasgas na mga isyu ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo.
 
Maililibing na rin ang mga labi ng dating Pangulo sa pagkakataong ito dahil ginusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing na si Marcos sa LNMB upang matuldukan na ang matagal nang hidwaan ng mga Pilipino.
 
Ayon kay dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos II, lubos na nagpapasalamat ang pamilya Marcos kay Duterte.

You May Also Like