Labing-anim na pribadong pahayagan sa Burma, pinayagan ng ulit magbenta

BURMA—Matapos ang limangpung taon, pinayagan na ng gobyerno ng Burma na magbenta ang mga pribadong pahayagan kung saan, labing-anim sa mga ito ay binigyan na ng lisensiya at apat naman ang nagsimula nang magbenta ng pahayagan kahapon, Lunes.

Ang mga pribadong pahayagan sa lenguaheng Burmese, English, Indian at Chinese na naging pangkaraniwan na sa dating British Colony ay sapilitang pinasara noong 1964 sa ilalim ng panununtunang militar.

Ang mga mamamahayag naman ay kalimitang pinapamanmanan ng gobyerno at ang iba naman ay kinukulong o pinahihirapan kung kumalaban sa gobyerno. Pinapasara naman ang mga pahayagang hindi sumusunod sa batas militar.

Nabago ang programa matapos na maluklok sa pwesto si Thein Sein bilang pangulo noong 2011.

Ito’y isang napakahalagang milyahe para sa paglalakbay ng Burma papalayo sa panununtunang awtoritaryan.

You May Also Like