‘Kriminal ang gobyerno’—Atienza

 

 

NAGKASUNDO LABAN SA 'ENDO': Kahit magkaiba ng partido-pulitikal na kinikilusan at pampulitikang pananaw na ipinaglalaban, sina Usec. Joel Magungsod (kanan) at Buhay Paarty-list Rep. Joselito Atienza Jr. (kaliwa) ay magkaparehas ng posisyon laban sa sistemang kontraktuwalisasyon, o end of contract (endo) ng pag-recruit  ng mga kapitalista sa mga manggagawa sa Pilipinas. Kumbinsido si Atienza na malaking krimen ang nagawa laban  sa mga manggagawa ng mga nakalipas na administrasyon. (Rafael Taboy)
NAGKASUNDO LABAN SA ‘ENDO’: Kahit magkaiba ng partido-pulitikal na kinikilusan at pampulitikang pananaw na ipinaglalaban, sina Usec. Joel Magungsod (kanan) at Buhay Paarty-list Rep. Joselito Atienza Jr. (kaliwa) ay magkaparehas ng posisyon laban sa sistemang kontraktuwalisasyon, o end of contract (endo) ng pag-recruit ng mga kapitalista sa mga manggagawa sa Pilipinas. Kumbinsido si Atienza na malaking krimen ang nagawa laban sa mga manggagawa ng mga nakalipas na administrasyon. (Rafael Taboy)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
TINUKOY ni Buhay party-list Rep. Joselito “Lito” Atienza Jr. na ang pamahalaan ang pangunahing may kasalanan kung bakit talamak ang kontraktuwalisasyon, o end of contract (endo) sa bansa.
 
Idiniin ni Atienza na kung hindi nagpabaya ang gobyerno sa mga nakalipas na panahon, hindi aabutin ang sitwasyon kung saan milyun-milyong manggagawa ang hindi regular ang trabaho.
 
Kung kontraktuwal, wala sa minimum ang sahod ng manggagawa.
 
Halimbawa, sa Valenzuela City ay maraming manggagawa sa mga “sweatshop” na lampas lamang sa P200 kada araw ang sahod, samantalang ang minimum na sahod sa  Metro Manila ay P491 bawat araw.
 
Batay sa rekord ng pamahalaan, mahigit 36 milyong manggagawa mula sa higit 67 milyon ang  kontraktuwal ang trabaho ng mga obrero, o empleyado, kabilang na iyong naghahanap-buhay sa mga department store at supermarket.
 
Parehong nasa pamahalaan at pribadong sektor ang higit 36 milyong manggagawa, ayon pa rin sa datos ng pamahalaan.
 
Ang higit 36 milyong ito ay hindi lumalampas sa limang buwan ang trabaho.
 
Iyong iba ay tatlong buwan nga lamang.
 
Sabi ni Usec. Joel Maglungsod ng Department of Labor and Employment (DOLE), magsisimula na ang kagawaran sa pagpapatigil sa mga sistemang “contracting” at “sub-contracting,” alinsunod sa inilabas na Administrative Order No. 162 ng DOLE.
 
Ang pagpapatigil ng contracting at sub-contracting ay implementasyon saa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang kontraktuwalisasyon, o endo sa Pilipinas.
 
Idiniin pa ni Duterte na ipasasara niya ang mga kumpanyang magpapanatili sa kontraktuwalisasyon.
 
“Ang mga manggagawa ay nakatutulong sa pagpapalago sa ekonomiya ng bansa, kaya hindi sila pababayaan ng gobyerno” ngayong si Duterte ang Pangulo ng bansa, saad ni Maglungsod na isa ring opisyal ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
 
Ang KMU ay maka-kaliwang organisasyon ng mga manggagawa na lantad sa publiko ang relasyon nito sa Communist Party of the Philippines (CPP).
 
Tiniyak ni Maglunsod na sa loob ng 100-araw ng panunungkulan ni Duterte, kailangang makita ang malinaw na resulta laban sa kontraktuwalisasyon.
Pabor si Atienza sa pagkawala ng kontraktuwalisasyon sa bansa, kasama na ang pamahalaan. (May dagdag-ulat si Joel O. Amongo)

You May Also Like