‘Kotong Cops sa Quezon City, Uubusin Ko’ – Eleazar

 

Ni: Jan Sinocruz

 

TINIYAK ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar na lilinisin niya ang distrito ng pulisya sa Quezon City mula sa ‘kotong cops’ upang mawala ang masamang imahe ng QCPD.

Ang deklarasyong ito ni Chief Supt. Eleazar ay bahagi ng patuloy na paglilinis niya sa kanyang pinamumunuang yunit ng Philippine National Police (PNP).

KOTONGERONG PULIS: Maaaring ipalipat na sina SPO2 Helen Banguel at PO1 Mayet Eblahan sa Mindanao upang matigil na sila sa kanilang masamang gawain na hindi kailan dapat gawin ng isang alagad ng batas. (Erwin Monroy)
KOTONGERONG PULIS: Maaaring ipalipat sina SPO2 Helen Banguel at PO1 Mayet Eblahan sa Mindanao upang matigil na sila sa kanilang masamang gawain na hindi kailan dapat gawin ng isang alagad ng batas. (Erwin Monroy)

Ang pahayag ng heneral ay resulta ng operasyon laban sa dalawang babaeng pulis na nangikil sa dalawang tao na nadakip nila sa isang motel sa lungsod.

Kinilala ni Eleazar ang mga naarestong kotong cops na sina  SPO2 Helen Banguel at PO1 Mayet Eblahan, kapwa nakatalaga sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng QCPD – Police Station 3.

Ang kasabwat nina Banguel at Ebalhan ay nakilalang si Ana Marie Acopio na secretary umano ng isang law firm.

Base sa ulat, dakong 11:00 ng gabi nitong Martes nang arestuhin sina Banguel, Ebalhan, at Acopio sa loob mismo ng opisina ng WCPD Police Station 3 batay sa reklamo ng isang Cristina Marcos.

Ayon kay Superintendent Danilo Mendoza, hepe ng Station 3, ikasa ang pagdakip sa mga suspek nang magreklamo si Marcos na siya ay hinihingian ng P5,000 para sa ihahandang papeles para iurong ang kaso laban sa kanyang asawa.

Sabi ni Mendoza, ang nangyari kasi ay nagreklamo si Marcos sa WCPD laban sa kanyang asawa na umanoy nambabae.

Ipinaaresto ni Marcos sa WCPD ang kangyang asawa at kalaguyo nito sa isang motel sa lungsod, patuloy ni Mendoza.

Matapos madakip ng mga pulis ang lalaki at kabit nito, nagpasya naman si Marcos na huwag nang kasuhan ang kanyang asawa dahil sa pakiusap ng kanyang biyenan.

Sabi ni Mendoza na sa ganyang konteksto sinabihan ni Banguel na makipag-usap si Marcos kay Acopio na siyang gagawa ng dokumento upang pormal na iatras ang kaso laban sa dalawang magnobyo.

Nang makausap ni Gng. Marcos si Acopio, hiningian nito ang nagrereklamo ng tig-limang P5,000 para sa kanyang mister at  babae nito upang pormal na maiatras ang kaso, kaya nagpasya si Gng. Marcos na humingi ng tulong kay Mendoza na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Batay sa rekord ng QCPD, may nakabinbing kasong robbery extortion si Banguel sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) at inireklamo na rin siya dati ng pangingikil ng P2,000 sa Barangay Culiat.

Idiniin ni Chief Supt. Eleazar na hindi dapat na magbayad ang sinumang tao na humihingi ng tulong sa pulisya, sapagkat labag ito sa batas.

Kamakalawa, ipinatapon ni Eleazar sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sina PO3 Jerry Sayson, PO2 Ericzaldy Madarang, at PO1 Lloey Boco makaraang ireklamo sila ng pangongotong noong Nobyembre 27 ng taong kasalukuyan.

Sa parehong buwan, ipinalipat ni Eleazar sa ARMM sina PO3 Teodoro C. Morales, PO3 Drazen Calix C. Banatan, PO1 Philip John, at PO1 Juan Asis na pawang nakatalaga sa QCPD – Tactical Motorcycle Unit (TMU) matapos ireklamo sila ng isang Rex Macobio  ng pangingikil at pagnanakaw noong Nobyembre 4.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like