Korte Suprema hindi sinabing ‘constitutional’ ang RH law

Supreme Court spokesperson Theodore Te sa press briefing sa Baguio City noong Abril 8 hinggil sa desisyon ng Korte Suprema sa R.A. 10354 or RH Law.
Supreme Court spokesperson Theodore Te sa press briefing sa Baguio City noong Abril 8 hinggil sa desisyon ng Korte Suprema sa R.A. 10354 or RH Law.

Paglilinaw ni Macalintal, “Ang inanunsyo ni [Supreme Court] spokesperson Theodore Te ay ang desisyon ng korte sa RH Law ay ‘not unconstitutional’ at kung susuriin, ang desisyon ay pumapabor sa mga tutol sa nasabing batas.”

Ani Macalintal, “Ginamit ng Korte Suprema ang doble negatibong termino na ‘not constitutional’ dahil ang paniniwala nito ay lahat ng batas ay hindi lumalabag sa Konstitusyon. Sa madaling salita, ang constitutionality ay inaakala lamang ng Korte Suprema. Pero malinaw na pumanig ang Korte Suprema [sa mga anti-RH] sa pagdeklara nitong “unconstitutional” sa pitong importanteng items na nagpapakitang wagi ang mga pro-life na tumututol dito”.

Dagdag pa ni Macalintal, “Malinaw na pabor ang Korte Suprema sa mga nag-petis-yon laban sa RH Law nang idineklara nitong ‘unconstitutional’ ang mga probisyong naglalabag sa mga ilang mga karapatan.”

Ayon pa kay Macalintal, nilalabag ng R.A. 10354 ang ilang karapatan tulad ng karapatan sa buhay at kalusugan; karapatan sa pananampalataya at pagpapahayag; karapatan sa proteksyon laban sa mapanganib na mga produkto; karapatan ng mga magulang sa pag-aalaga sa kanilang mga anak at karapatan ng mga pamilya sa pagpapamilya.

Pahabol ni Macalintal, “Sa madaling salita walang sinabi ang Korte Suprema na constitutional o hindi [ang RH Law]”
Pagkalipas ng 15 araw matapos ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, maaari nang maipatupad ang batas kung hindi maghahain ng apela ang mga tumututol sa RH Law.

You May Also Like

  • but the decision was done, and justified by BIASED MEDIA!!!! what a Bullshit Government????