Kontra sa Pakikialam ng Estados Unidos

 

SA kauna-unahang pagkakataon maraming nagulat, ngunit maraming napahanga kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa serye ng kanyang atake laban sa Estados Unidos.

Aksiyon na hindi  nagawa ng kahit sinong Pangulo ng Pilipinas, simula kay Emilio Aguinaldo.

Sa mga birada ni Duterte sa Amerika, ang mga malalaking punto ay ang pagtukoy niya ng mga krimeng nagawa ng mga sundalong Amerikano laban sa mga Moro noong 1906 at mga Balangigan-on noong 1901 at ang patuloy na pandidikta at pakikialam ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pagpapasya at pagkilos ng Pilipinas.

Ang dalawang insidenteng ito na parehong minasaker ang mga Pilipino ay naganap noong panahong ang Pilipinas ay kolonya ng Estados Unidos.

Idiniin ni Duterte na hindi pa humihingi ng tawad ang pamahalan ng Estados Unidos tungkol dito.

Alam ni Duterte na kahit pa pinayagan ng Amerika na magtayo ang mga Pilipino ng sarili niyang pamahalaan noong Hulyo 4,1946 ay hindi naging ganap na malaya ang Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Kumbinsido si Duterte na patuloy pa ring dinidiktahan at nakasuso ang Pilipinas sa puson ng Amerika hanggang ngayon.

Ang pinaka-bagong pandidikta at pakikialam ng Amerika na naranasan mismo ni Duterte kay Pangulong Barrack Obama—ito iyong hayagang pagtuturo ni Obama ng “tamang paraan” ng paglulunsad ng kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

Halata namang nabuwisit si Duterte sa ginawa ni Obama dahil nagbigay ng lektyur ang Pangulo ng Amerika sa Pangulo ng Pilipinas sa harapan mismo ng lider at delegado ng 18 bansa na kalahok sa katatapos na ASEAN Summit.

Kaya, isinantabi ni Duterte ang  nakahandang talumpati, kundi inilabas niya ang litratong pangmamasaker ang mga sundalong Amerikano sa mahigit 1,000 Moro, kabilang na ang kababaihan at kabataan noong Marso 1906 sa Sulu at saka kinastigo ang Pangulo ng Estados Unidos.

Ginawa ito ni Duterte matapos ng talumpati ni Obama.

Iginigiit ni Duterte na dapat nang magkaroon ng foreign policy ang Pilipinas na malaya mula sa dikta at pakikialam ng Amerika.

Ito na ang napakagandang pagkakataon upang solidong suportahan si Duterte sa babalangkasin ng kanyang administrasyon ang isang foreign policy na nagdedeklara na ang Republika ng Pilipinas na isang malaya at mayroong soberenyang bansa.

Masabi nating may ‘bayag’ si Duterte na banggain ang Estados Unidos.

Si Duterte ay mayroong makabuluhang tapang upang harap-harapang ipamukha sa Pangulo ng pinaka-makapangyarihang bansa sa daigdig na wala itong karapatan at moral na batayan upang idikta ang konsepto ng karapatang pantao dahil mismong Amerika ay notoryus ang rekord pagdating sa paglabag sa karapantang pantao.

Lahat ng naging Pangulo ng Pilipinas ay maka-Amerika.

Halimbawa, nang maitayo ang Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 1899, hindi binatikos ni Aguinaldo ang Amerika.

Sa halip, nagpaduro si Aguinaldo sa Amerika at hinayaan nitong  direktang makialam ang Estados Unidos habang itinatayo pa ang nasyon ng Pilipinas.

Si Manuel L. Quezon naman ay nakipaglaro sa Amerika upang manatili siya sa estado poder.

Nang maitatag naman ang ikatlong Republika ng Pilipinas, ang unang Pangulo nito na si Manuel A. Roxas, lolo ni Mar Roxas, ay hayagang nanawagan sa mga Pilipino na suportahan ang Amerika.

Agresibo pang kumilos si Roxas upang maisingit sa 1935 Saligang-Batas ng bansa na magkaroon ng pantay na karapatan ang Estados Unidos at Pilipinas sa pamamahala ng mga angking yaman sa loob mismo ng Pilipinas.

Si Ramon Magsaysay na pinakapopular na Pangulo ng bansa ay hindi kailanman binatikos ang Amerika, sapagkat ito ang naglagay sa kanya sa Malakanyang.

Ang Central Intelligence Agency (CIA) ang ginamit ng pamahalaan ng Amerika upang manalo si Magsaysay sa eleksyon.

Ang nakikita namin kay  Duterte ay gusto nitong makipagkaibigan at makipagtulungan sa Amerika, ngunit ayaw niyang makikialam ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like