Kontra manggagawa si Duterte

Noong nangangampanya pa lamang si Rodrigo “Digong” Duterte sa pagkapangulo ng Pilipinas ay nangako siyang wawakasan niya ang kontraktuwalisasyon sa bansa dahil maling kalakaran ito.

Diin pa ni Duterte na pagkaupo niya sa estado poder ay sisimulan ang pagwasak sa kontralisasyon.

Napakaraming nagalak na mga manggagawa kay Duterte, kaya gumaya ang ibang kandidato sa pakapanngulo ng bansa.

Anila, sila man din ay tatapusin na ang kontraktuwalisasyon kapag nanalong pangulo.

Ilang araw na lang, pormal nang uupo si Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ngunit, tila malabong mangyari ang ipinangako niya sa mga manggagawa.

Malabo dahil walang kongkretong hakbang na ginagawa si Duterte para sa mga manggagawa, maliban sa italaga sina Sylvestre Bello 3rd at Joel Maglungsod sa Department of Labor and Employment (DOLE), bilang kalihim at ikalawang kalihim.

Hindi na niya tinatalakay sa kanyang mga press briefing ang tungkol sa kontraktuwalisasyon.

Ang madalas na nadidinig sa kanya ay tungkol sa droga, krimen, at pagpatay sa mga drug pusher.

Ang mga korap na mga ahensiya ng paamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highway (DPWH), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay pinag-initan niya dahil sa pagiging talamak ng mga ito sa larangan ng korapsiyon.

Inilantad din ni Duterte sa media ang tatlong heneral sa Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Camp Crame na pawang mga protektor ng sindikato ng droga, kaya nararapat lamang magresign na ang mga ito.

Ngunit, hindi nagsalita kahit isang pangungusap laban sa mga kapitalistang nagpapairal ng kontraktuwalisasyon.

Hindi nga tinawagan ng pansin ni Duterte ang mga superstar pagdating sa kontraktuwalisasyon tulad nina Henry Sy at Lucio Tan.

Kaya, hindi nakapagtatakang hindi kasali sa 10-point agenda ng administrasyong Duterte ang pagwasak sa kontraktuwalisasyon.

Hindi rin nakagugulat kung bakit kahit isang isyu o suliraning ng halos 68 milyong manggagawang Pilipino ay hindi naging paksa sa pagharap ni Rodrigo Duterte sa Davao Summit na dinaluhan ng 300 negosyante nitong Hunyo 20.

Kaya ganito ang nangyari, si Rodrigo Duterte ay kalaban ng mga manggagawa at kakampi ng mga kapitalista.

You May Also Like